Eservices

Mag-Online Shopping sa GrowSari 11.11 at manalo ng 5,000 GrowCoins!

2 Comments

Paano ko dagdagan ang paninda ngayong pasko sa pamamagitan ng Online Shopping ng GrowSari 11.11?

Maging madiskarte sa pamimili – Buksan muna ang GrowSari app bago i-click ang Lazada o Shopee para makakuha ng maximum rebates!

I-check ang mga rebates at vouchers na makukuha para sa Online Shopping ngayong GrowSari 11.11 para lalong ma-sulit ang pagbibili.

Paano manalo ng GrowCoins sa GS Online Shopping? 

Kung ikaw ang ka-Sari na mayroong pinakamaraming nabili sa Lazada o Shopee itong 11.11, ay mananalo kayo ng 5,000 GrowCoins! Wow!

May konsolasyon na 3,000 para sa 2nd place, 2,000 sa 3rd place at 1,500 at 1,000 sa 4th at 5th place tapos 500 simula sa 6th hanggang 20th place! Ang dami!

Anu-ano ang mga produkto na may rebates sa Lazada?

Lahat ng produkto ay naka 3% rebate simula November 11 hanggang 14, 2021. Mas malaking rebate naman kapag bibili mula sa Toys, Health, o Beauty category ay makakakuha ka ng 5% rebate.

Magkano ang rebates na makukuha ko sa Shopee? 

Ang Shopee ay magbibigay ng 1% rebate sa bawat order pag nag-click ng Shopee mula sa GrowSari app. 

At kung bago ka namang Shopee user ay may New voucher code na pwedeng gamitin GROWSARI1111SALE para sa 100 pesos off kapag umorder ka ng minimum 200 pesos! May 200 pesos off na, may 1% rebate ka pa!

Kailan ang sale-period na ito?At kailan makukuha ang Mega Rebates mula sa 11.11 Christmas Sale mula sa Lazada at Shopee? 

Magsisimula ito ng November 11 – 14, 2021 pero ihanda na ang cart at huwag kalimutang i-click ang Lazada o Shopee sa GrowSari app para siguradong makuha ang Mega Rebates. 

Ang mga cashback tuwing mega sales ay matatanggap one (1) week matapos ang successful delivery ng item sa iyong tindahan.

Paano ma-qualify at magamit ang Lazada at Shopee sa GrowSari app?

Para magamit ang service, kailangan ng a) 1 successful delivery order sa GrowSari, at b) kahit anong Lazada account o Shopee account.

Pwede ba ito sa E-Lista o GrowCoins?

Ang item na pinamili sa Lazada o Shopee ng GrowSari dapat bayaran via COD (cash on delivery) o kung ano ang paraan sa pag bayad ng iyong regular Lazada o Shopee orders. Hindi pwede gamitan ng E-Lista o GrowCoins para pambayad.

Tandaan: Ang Lazada ay may mega-rebate na 3% ngayong 11.11 at ang Shopee ay maroon 1% sa kada order!

Tags: Eservices

Related Articles

2 Comments. Leave new

  • Ysabella De Guzman
    September 7, 2021 12:46 am

    Can I also avail this feature?

    Reply
    • Oo mare, Para magamit ang Lazada Feature, kailangan ng a) Isang (1) successful delivery order sa GrowSari, at b) kahit anong Lazada account. 

      At siguraduhing i-click ang Lazada mula sa Growsari app para makuha ang rebates!

      Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

Ano ang Lazada x GrowSari Reseller Program?
Menu