Eserv OnboardingEservicesPanindaQR Code

Paano gamitin ang E-Lista at Ano ang E-Lista Terms?

19 Comments

Ano ang E-Lista?

Ang E-Lista ay ang puhunan program o pahiram service ng GrowSari, kung saan kikita ka pa rin! Ito ay pwede maging “extra puhunan” pambayad sa paninda, mag load o mag bills pay sa GS app. Ang mga transaksyon na ito ay mag-rereflect sa inyong “weekly bill” na pwedeng bayaran kada linggo sa inyong shipper/collector.

Pakinggan natin si Mars Yvonne para malaman kung bakit mapapabilis ang kita sa E-lista!

Paano mag-avail ng E-Lista? (Requirements)

Para ma-qualify para sa E-Lista, may 2 requirements na kinakailangan:

  1. Ang tindahan niyo ay dapat nag-oorder gamit ang app bawat kasunod na linggo (every other week) sa loob ng 8 na linggo. O kaya naman, nag-oorder ng isang beses kada buwan sa loob ng 6 na buwan. (1 order per month for the past 6 months)
  2. Mag-submit ng Personal Verification (1 Valid Government ID + selfie) sa My Account Section at antayin ang notification na approved na ito.

*Para malaman ang ‘How to verify your account’ click lang dito.

Ano ang Starting Limit?

Kapag enabled na ang iyong E-Lista, ito ay pwedeng gamitin sa paninda at sa E-Negosyo. Ang starting limit niyo ay naka-depende dito:

Ano ang Terms?

Pagdating sa processing fees, naiiba ang E-Lista sa ibang pautang/loan programs — garantisadong fair flat rate (hindi umaakyat ang interest rate dito!), at binibigyan ka ng kakayahang paikutin ang pera mo habang kumikita! Kung sa pagbili ng paninda gagamitin ang E-Lista, ang fee ay magiging add-on sa taas ng item price. Pero kung sa pa-load o pa-bills pay naman, ito ay mababawasan lang sa iyong rebates.

Ito ang mga processing fee depende sa transaksyon:



Paano Gamitin ang E-Lista?

Kapag meron ka nang E-Lista, mahahanap mo ang overall limit mo, at lahat ng detalye sa E-Lista section ng iyong GrowSari app. I-click lamang ang E-Lista button sa kanang itaas na bahagi ng app screen para makita ang: 1) E-Lista limit para sa iyong paninda at E-Negosyo, at 2) Ang iyong billing day (collection day).

Pwede nang gamitin ang E-Lista para bayaran ang pinamiling paninda, sundin ang steps na ito:

Maaari ring gamitin ang E-Lista pambili ng load, pambayad ng bills, o sa ibang E-Negosyo Services sa pamamagitan ng steps na ito:

Paano at Kailan babayaran ang aking bill/utang?

Kung balak nang gamitin ang E-Lista pambayad sa sa E-Negosyo services, ang iyong bill ay due bawat linggo (every week) — ang mismong collection day ay makikita sa E-Lista section sa inyong app, sa kanang itaas na bahagi ng app screen.

Kung sa paninda o goods gagamitin ang E-Lista, ang iyong bill naman ay due pitong araw (7 days) pagkatapos ma-deliver ang mga order.

Sa mismong araw ng iyong due date, kayo’y pupuntahan mismo ng GrowSari shipper na mangongolekta ng iyong E-Lista balance na may kasamang Physical billing na ipapakita. Kapag hindi makabayad sa mismong due date, babalik na lang ang shipper sa ibang araw. 

Walang extra fee o late fee na idagdag sa inyong payment, mars! Basta tandaan, kapag umabot na sa 7 days at hindi nakapagbayad ng E-Lista bill, pansamantalang i-hohold o blocked ang iyong account sa pag-order at sa paggamit ng ibang E-Negosyo services hanggang makabayad ulit.

Pwede rin namang gamitin ang GrowCoins sa pagbayad ng due bill, para hindi na kailangan maghintay sa collection day.

Kung hindi makapagbayad ng E-Lista sa due date ngunit gusto pa rin magamit ang app, may option naman na magbayad lamang ng ‘Extension Fee’ upang magamit ang GS app. Kapag pinili ang option na bayaran ang Extension Fee, makaka-order na ulit ng Paninda, mag-load o bills payment gamit lamang ang GrowCoins o COD (Cash on delivery). 

Hanggang apat (4) na beses lamang pwede gumamit ng Extension Fee, pagkatapos ng 4 na beses kailangan na bayaran ang E-Lista bill.

Paano Pataasin ang E-Lista Limit?

Ang E-Lista limit ay nag-uupdate kada simula ng buwan. Kung gusto itong pataasin pa, siguraduhin sundan ang mga ito:

  1. Gamitin nang gamitin ang kasalukuyang E-Lista limit  – dahil kapag mas nagagamit sa panida o sa E-Negosyo, nalalaman ng app na ikaw ay regular E-Lista user.
  2. Palaging mag-bayad sa tamang oras – dahil kapag madalas late ang pag bayad hindi mapipili ang account mo para sa limit increase.

Tandaan:

Kapag ang isang tindahan ay madalas hindi nagbabayad sa tamang oras ng due date ng E-Lista, mababawasan ang E-Lista spending limit/credit o ma-dedeactivate ng tuluyan ang E-Lista service.

Kung ang isang tindahan ay hindi nakapag-order o nakabayad gamit ang E-Lista sa nagdaang 3 buwan, ma-dedeactivate rin ang E-Lista.

Kapag na-hold ang iyong GrowSari app dahil hindi pa makabayad ng E-Lista Bill, pwedeng piliin ang ‘Pay Extension Fee’ para magamit muli ang app for an additional pitong (7) araw. Pwedeng mamili ng paninda o gumamit ng E-Negosyo services gamit ang GrowCoins o COD.

Hanggang apat (4) na beses lamang pwede gumamit ng Extension Fee, pagkatapos ng 4 na beses kailangan na bayaran ang E-Lista bill.

Tags: Eserv Onboarding, Eservices, Paninda, QR Code

Related Articles

19 Comments. Leave new

  • Nimfa Rosalado
    April 30, 2021 2:19 am

    Sa growsari load mataas ang kikitain mo at pwd pwd rin gamitin ang elista lalo n sa mga wlang pangpuhunan..sa retailer sim need mo tlga mglabas ng pangpuhunan agd agd🥰..

    Reply
  • Leonel Mata
    May 3, 2021 1:42 pm

    Ibat ibang grocery store na po ang nabilhan ko paninda.. pero itong growsari lang po ang nkita kong NATATANGI dahil sobrang gaan sa pkiramdam bukod sa maayos na serbisyo, hassle free, growsari lang ang may PUSO sa mga tindero at tindera kayo lang po ang nagtiwala sa mga tulad nming mga nag sisimula pa lng sa pag nenegosyo.. tinutulungan nyo kaming umangat sa pamamagitan ng pag papautang.. lubos kming nagpapasalamat dahil sa ganitong programa. Sana po kumpleto na po ang onyong producto para wala na po tlaga kming hahanapin pa sa iba. God bless po growsari salamat sa mga taong nasa likod nito.
    Isa po kayong MAKATAO kapakanan at pag angat po ng inyong customer ang inyong nasa isip. MABUHAY PO KAYO!

    Reply
  • Josephine ocampi
    May 18, 2021 8:33 am

    Sa growsari hindi ko na kinailangan lumabas pra makaiwas n din sa virus pareho lng ang presyong offer, may pagkaataon kpang manalo. Sa sandaling panahon nawili na ako na dito iasa ang pamimili growsari lng din ang nag offer ng libre hatid. Sana huwag na mabago ang sistemang naumpisahan .growsari maari ba akong magpadagdag ng puhunan . E lista sana pwede kaya!

    Reply
  • Maria Aziel Ibanita Samontina
    May 18, 2021 12:10 pm

    Thank you so much ❤️💕 Growsaro

    Reply
  • Jinny Fe baloro
    May 19, 2021 12:24 am

    Matagal na ako nagtitinda ngayon kulang naranasan na walang hirap ang pagpamili kasi sa bahay ka lang madali lang mag-order at meron kana bayad center ang galing diba basta magbayad lang Sa tamang oras

    Reply
  • Jeffrey John Lunar
    May 25, 2021 5:30 am

    Ako po ay isang Guro at nagsisiluma mag negosyo ng sari sari store. At masaya po ako at nabgyan ng pagkakataon sa napakaganda ng online grocery at Program ang ito po.

    Reply
  • Happy aq n lman q ito.growsari kc mlki tulong llo n ngaun pandemic hindi n masyadong lumalabas pra mag mmili ng pninda..at free delivery p..at mdmi cla offer stin mga sarisari store ..thank you growsari

    Reply
  • Jesserie Bactol
    May 26, 2021 6:00 pm

    less hassle talaga nakakatuwa dahil may Apps na ganito maraming salamat Growsari nababawasan ang trabaho order ka lang sa apps free dilevery pa,makakaiwas kapa sa virus.

    Reply
  • Edith Julian Tayson
    May 26, 2021 11:31 pm

    Malaking gaan at tulong ang Growsari sa aking hanapbuhay.
    Pero gusto ko din malaman paano po gamitin ang Top up ng GCash.

    Reply
    • Salamat sa pag-comment! If gusto mong malaman kung paano gamitin ang Gcash para ma-top up ang iyong growcoins, mababasa mo dito sa “Pagtop-up via Gcash to BDO Transfer” section ng blog. Makikita mo rin ang mga step by step instructions sa Growcoins Wallet section sa iyong GS app.

      Kung ang hinahanap mo naman ay kung paanong gamitin ang Cash-in service ng Gcash (sa iyong E-Negosyo section), mababasa mo ang instructions dito.

      Kung may karagdagang tanong ka pa, pwedeng mag message sa aming FB messenger, sa m.me/growsari

      Salamat po!

      Reply
  • Melba cancio sari sari store
    May 26, 2021 11:44 pm

    Sobrang saludo po tlga aq sa growsari dahil sa mura at free shipping p tinutulungan pa nila Yong mga customer na maliit para umangat…sobrang nagpapasalamat po ako sa mga Tao NASA likod ng growsari dahil satisfied po tlga aq sa serbisyo niyo..Sana maging kumpleto na lahat para isahan nlng mamili at di na aq pupunta sa labas.simula ng may grosari aq never na aq bumili sa labas kna mayron sa growsari..regular customer na tlga aq sa growsari Sana makumpleto na po lahat ng stak..maraming salamt po sa e lista malaking tulong sa akin lalo na aq po ay isang single parent…maraming salamat po tlga.

    Reply
  • Raquel Royola
    May 27, 2021 11:30 am

    Nakakabawas say Ng trabaho ko sa àraw-araw hassle free di mo na kailangan pumila sa cashier sa grocery Kasi laging mahaba Ang pila

    Reply
  • Khemlyn Suerte
    May 28, 2021 12:11 am

    Tlagang npakalaki ng tulong ang elista sa akin katulad nlng na low budget ako sa grocery,,, elista ang ginamit ko pangbayad,,, pagka collection day nmn pagkabayad mo agad2 mo din cia magagamit…kya thankyou growsari

    Reply
  • mary jean revicente
    May 28, 2021 4:11 am

    sana mdagdagan ang inyong mga paninda pra mas mdming pagpipilian,malaking tulong ang inyung e-lista

    Reply
  • Josephine Domingo
    May 28, 2021 8:00 am

    Malaking tulong po talaga ang Grow Sari sa mga tulad naming may mga sarisari store..nawa po mkumpleto ng lubos ang mga paninda gaya po ng asukal at mantika ng sa gayin po lubos ng di na kailangan pang bumili sa iba..God bless po sa pamunuan ng Growsari…

    Reply
  • Christine Lerona
    May 28, 2021 11:36 am

    Napaka ganda ng app na to. Hindi na mahihirapan mamili at less pagod at pamasahe dahil free shipping.

    Reply
  • Girlie Asuncion Garcia
    May 29, 2021 3:05 am

    malaking tulongbpo sa akin ang growsari lalo na po sa e lista load dahil kahi walng puhunan mkakapagload ka n,sana madami p kayong matulungan

    Reply
  • i love growsari 👏👏👏 ….ty growsari…..more mòre product nlng po….lob it…

    Reply
  • Loyda tantoy feliciano
    June 1, 2021 11:20 pm

    jeffreyfeliciano106@gmail.com
    Sobrang ganda Ng serbisyo at mababait ang mga staff nila dito sa tarlac branch. NUNG una natatakot ako Ng magsabi na delay ang bayad ko dhil nagkasakit ang baby ko pero pagdating NILA ang sinabi sakin “WALA PONG PROBLEMA MAAM” ang gagalang pa nila s mga costumer.shout out #GROWSARITARLAC 10stars kau SAKIN..slamat growsari dhil bukod s mura na Ang laki pa rebate tlgang nkikita ka.wala pang penalty pag delayed payment.tlagang suportado ang mga my sari sari store..salamat GROWSARI

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

Bakit Unbeatable ang Growsari Load vs Retailer Sim?
Paano Manalo ng 3,000 Weekly sa E-Negosyo Birthday Blowout?
Menu