Lalakas lalo ang puhunan sa pambili ng paninda gamit ang E-Lista! Hindi na limitado ang E-Lista para sa GrowSari app lamang, kundi ay pwede na rin siya magamit na pambayad sa San Roque Supermarket (SRS) at sa sales agents na kumukuha rin ng order sa inyo.
Paano? Basahin ang Step-by-step guide kung paano gamitin na pambayad ang E-Lista sa SRS store at sa agents:
- Pumunta sa Supermarket o Umorder sa SRS agent at hintayin ang delivery
- Hingin ang invoice number, agent code, agent phone number, at iba pang info sa iyong SRS cashier o agent
- Pumunta sa Bills Pay ng iyong GrowSari app, Piliin ang “Distribution”, at Hanapin ang San Roque Supermarket
- I-type ang lahat ng detalye na hinihingi (Siguraduhin na lahat ay tama)
- Magbayad gamit ang E-Lista mo!
*Pagkatapos ng pitong araw (7days) ay maniningil na ang GS shipper ng E-Lista payment
MGA DAPAT MALAMAN:
Tanong | Sagot |
---|---|
Kailan ko kailangan bayaran ang E-Lista na ginamit sa SRS order ko? | Katulad lang ng E-Lista dati, 7 days ang ibibigay sa’yo bago bayaran ang ginamit na E-Lista |
Gaano kataas ang interes nitong service? | 3.5% lang lagi ang E-Lista kahit sa app gagamitin o sa SRS |
Pwede ba to gamitin kapag pupunta ako sa supermarket mismo ng San Roque para bumili ng paninda? | Pwede po! Pumunta lamang sa pinakamalapit na SRS sa inyo at kapag oras nang mag-checkout, sabihan agad ang cashier na E-Lista ang gagamitin pambayad. |
Paano kapag hindi natanggap ng cashier o ng sales agent ang text na pumasok ang E-Lista payment ko? | Sabihin sa SRS cashier o sales agent na kuhanan ng picture ang resibo mo sa GS app para may proof of payment. I-screenshot mo na rin ito para may pruweba ka. |
Saan mababawasan ang E-Lista Credits ko? | Sa Paninda limit ng E-Lista niyo mababawasan ang credit at hindi sa E-Negosyo credit. |