I-Verify mo na ang Growsari account mo para magkaroon ng E-lista (Personal Verification) o mga E-Negosyo katulad ng Gcash Cash in (Business Verification). Sundin lamang ang mga madaling next steps:
PERSONAL VERIFICATION
- I-click ang “Verify Account” sa Account Section ng app
- Piliin ang Personal Verification kung gusto mo ng E-Lista.
- I-type ang iyong mobile number at ilagay ang OTP
- Piliin sa listahan ang Valid ID na gagamitin. Kailangan may signature ang ID.
- I-upload ang picture ng Valid ID na pinili
- I-verify ang pangalan na nakalagay sa ID
- Kumuha ng selfie na hawak ang Valid ID na ginamit at i-upload ito
- Mag-submit at maghintay sa approval ng iyong aplikasyon
BUSINESS VERIFICATION
- I-click ang “Verify Account” sa Account Section ng app
- Piliin ang Business Verification para sa Gcash Cash-in service.
- I-type ang iyong mobile number at ilagay ang OTP
- Piliin ang Valid Business Permit na ipapasa. Siguraduhin hindi expired ang permit.
- I-upload ang picture ng permit na pinili
- Mag-submit at maghintay sa approval ng iyong application
RESUBMISSION (If na reject ang KYC application mo)
- Makakakuha ka ng message sa app inbox na may kasamang ‘link to resubmission’: piliin ang Personal verification o Business verification (base sa kailangang i-resubmit).
- If hindi mo mahanap ang inbox message, bumalik lamang sa “Verify Account” sa Account Section para makita ang kailangan gawin.
- Kapag na sa Verify Account section ka na, makikita ang dokumento na kailangan i-resubmit sa taas na bahagi ng iyong screen. Nadedetalye rin ‘to sa app inbox message na natanggap mo.
- Para maiwasan ang rejection ng application mo, siguraduhing:
✓ Ang ID o permit ay nakapangalan sa may-ari ng store na naka-register sa Growsari
✓ Hindi pa expired ang ID o permit na i-susubmit
✓ Malinaw na nababasa lahat ng detalye ng ID o permit
✓ Kumpleto at hindi putol ang ID o permit sa picture