Credit Card FAQs
Estimated reading time: 2 min
- Anong mga uri ng credit card ang tinatanggap?
Tinatanggap namin ang mga Philippine-issued credit cards tulad ng Visa, Mastercard, at JCB.
- May mga applicable fees o charges ba?
Oo, may processing fee na 3.5% sa kabuuang halaga ng iyong order kapag nagbabayad gamit ang credit card.
- Paano magcompute ng Credit Card processing fee sa Sarimart?
Para i-compute ang processing fee, kunin ang total amount of Sarimart order at i-multiply dito ang 3.5% processing fee.
<span style="font-weight: 400;"
Sa halimbawa sa itaas, siguraduhin na ang credit limit na available sa inyong credit card ay higit pa sa ₱10,350 para siguradong pumasok ang iyong bayad.
- Ano ang payment timelines at confirmation process?
Kapag nag-order ka: Ilalagay mo ang card details at ichacharge ang halaga ng iyong order kasama ang processing fee.
Kapag naka-pack ang order: Kung may pagbabago sa presyo dahil sa out-of-stock (OOS), magkakaroon ng reversal ng sobra.
Kapag na-deliver: Kung may returns, ang refund ay ipoproseso (tingnan ang detalye sa ibaba).
- Ano ang mangyayari kung may out of stock sa order ko?
Ang sobrang bayad ay ibabalik sa iyong credit card sa loob ng 7-30 araw matapos i-pack ang order, depende sa proseso ng iyong issuing bank.
- Paano kung may items na kailangan kong ibalik mula sa order ko?
Ang refund ay matatanggap sa iyong credit card sa loob ng 7-30 araw matapos maibalik ang item, depende rin sa proseso ng iyong issuing bank.
- Ano mangyayari kung ma-cancel ang order ko?
Makakatanggap ka ng full refund sa iyong credit card sa loob ng 7-30 araw matapos ang cancellation. Ang eksaktong oras ng refund ay nakadepende sa proseso ng iyong issuing bank.
- Ano ang refund at cancellation policies?
Refund: Ang refund ay maibabalik sa iyong credit card limit sa loob ng 7-30 araw, depende sa proseso ng iyong issuing bank (hindi Xendit o Growsari).
Cancellation: Ang full order amount ay mare-reverse sa iyong credit card sa loob ng 7-30 araw, depende sa proseso ng iyong issuing bank (hindi Xendit o Growsari).
- Paano maayos ang mga isyu sa pagbababayad?
Kung may problema sa pagbabayad, sundin ang mga hakbang na ito:- Siguraduhing tama ang card details na inilagay (card number, expiration date, CVV).
- I-check ang available credit limit at kung pwede mag-bayad ng online purchases ang iyong card.
- Makipag-ugnayan sa iyong issuing bank para tiyakin na walang restrictions sa iyong card.
- Subukang ulitin ang transakyon.
- Kung hindi pa rin maayos, kontakin ang aming customer service para sa tulong.
- Paano sinisiguro ang security and data protection ng credit card ko?
- Hindi namin ini-store ang iyong credit card details.
- Ang system namin ay kino-convert ang detalye ng iyong card sa isang token para ma-proseso ang pagbabayad.
- Ginagamit ang authorization process ng iyong credit card issuer para tiyakin ang ligtas na transaksyon.
- May minimum o maximum amount ba na pwede kong bayaran gamit ang Credit Card ko?
Walang minimum o maximum amount para magbayad gamit ang credit card ngunit, tandaan na may 3.5% processing fee ito. Siguraduhin na ang available credit limit ng iyong card ay sapat para sa inyong order kasama ang processing fee.
Views: 368