Mas lumalaki ang tindahan, mas maraming rewards!
Abutin ang iyong Monthly Order Goal, at makakuha ka ng GrowSuki Badge, exclusive perks, at raffle entry.
Bilang suki ng Growsari, gusto naming kilalanin ang tuloy-tuloy mong pag-grow ng iyong tindahan. Kaya simula ngayong September, ipinapakilala namin ang GrowSuki Rewards Program! Ilulunsad muna ang program ngayong September sa piling regions. Magsisimula kami nang maliit para masiguro naming maayos ang programa bago namin ito i-expand sa mas maraming Tindera nationwide.

Ano ang GrowSuki Rewards Program?
Bawat qualified na tindahan ay may Monthly Order Goal na kailangang maabot.
Kapag na-hit mo ang goal mo:
- Makakakuha ka ng GrowSuki Badge
- Maa-access mo ang exclusive perks
- Automatic kang kasali sa GrowSuki Raffle
At habang mas mataas ang iyong Monthly Order Goal, mas malaki rin ang prize na puwedeng mapanalunan.
Paano ito gumagana?
- Alamin ang iyong Monthly Order Goal
Makikita mo ang goal na naka-set para sa iyong tindahan. Personalized ito base sa performance ng iyong store.
- Abutin ang goal mo sa loob ng buwan
Pinagsama-sama ang lahat ng qualified orders mo sa buong buwan para maabot ang goal. Hindi kailangang isang malaking order lang.
- Makakuha ng GrowSuki Badge
Kapag na-hit mo ang goal mo ngayong buwan, active ang badge mo sa susunod na buwan. Makikita ito sa iyong profile, at makakatanggap ka rin ng physical badge para sa iyong tindahan.
- I-enjoy ang iyong perks at raffle entry
Bilang GrowSuki Badge holder, may access ka sa perks at automatic kang kasali sa GrowSuki Raffle.
Ano ang makukuha ko bilang GrowSuki?
| Perk | Para saan? |
| GrowSuki Badge | Recognition sa iyong profile at storefront |
| Priority Support Line | Priority na tulong kapag kailangan mo |
| GrowSuki Raffle Entry | Automatic entry sa raffle na may prizes |
May iba pang perks na unti-unting idaragdag. Abangan!
FAQs:
Ano ang Monthly Order Goal?
Ito ang monthly order target para sa iyong tindahan. Personalized ang goal mo base sa performance ng iyong store, kaya hindi pare-pareho ang target ng bawat tindahan.
Paano ko makukuha ang GrowSuki Badge?
Kapag na-hit mo ang iyong Monthly Order Goal ngayong buwan, active ang badge mo sa susunod na buwan. Awtomatiko itong ibibigay, walang kailangang hiwalay na sign-up.
Paano ko mapapanatili ang aking GrowSuki Badge?
Kailangan mong maabot muli ang iyong Monthly Order Goal bawat buwan. Bagong check ang ginagawa kada buwan, kaya kailangan mong patuloy na maabot ang goal para manatiling active ang badge mo.
Paano gumagana ang GrowSuki Raffle?
Kapag active kang GrowSuki Badge holder, automatic kang may entry sa GrowSuki Raffle, walang extra steps. Ang prize na puwede mong mapanalunan ay depende sa laki ng Monthly Order Goal mo, gaya ng halimbawa sa itaas.
Saan available ang GrowSuki Rewards Program?
Ilulunsad muna ang program ngayong September sa piling regions. Magsisimula kami nang maliit para masiguro naming maayos ang programa bago namin ito i-expand sa mas maraming Tindera nationwide.
May bayad ba para sumali?
Wala. Libre ang GrowSuki Rewards Program para sa lahat ng qualified na Tindera.










































