May concern sa order, sa bayad, o paggamit ng Growsari app? Andito ang tatlong paraan para makapag-report at agad na matulungan ng Growsari support team ang iyong concern.
Bago mag-report, para sa mas madali at mas mabilis ang pagproseso ng iyong concern, siguraduhing nakahanda ang mga sumusunod: (1) Transaction Number o Order Number, o (2) ang mga Screenshots o photos ng concern, kung meron.
PAALALA: Hinding-hindi hihingi ang mga Growsari customer service agents ng password, OTP, MPIN, o anumang personal na impormasyon. Maaaring makatanggap ng tawag mula sa mga numerong hindi Growsari hotline dahil ito ay galing sa aming outbound customer service agents. Kung may mapansin kang kahina-hinala sa tawag, ibaba agad ang linya at makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal na Growsari agent sa pamamagitan ng app, opisyal na Facebook page, o hotline.
Growsari App
- Pumunta sa My Account (o More) sa iyong Growsari app
- Mag-scroll pababa hanggang makita ang “I need help with a transaction” na section
- Pumili ng option kung saan may issue (hal. “Report issue with my order”)
- Ilagay ang mga kinakailangang detalye at i-submit ang iyong concern
- Mag-expect ng tawag mula sa aming agent sa loob ng 24–48 hours matapos mag-submit ng concern
Facebook Messenger
- Magpunta sa aming official and verified Growsari Facebook page (www.facebook.com/growsari)
- Mag-message at ibigay ang mga kinakailangang information
- Maghintay ng tugon mula sa agent, dahil may queuing ang mga concern ng kapwa tindera
- Mag-expect ng message mula sa aming agent sa loob ng 24-48 hours matapos mai-message ang concern.
Growsari Hotline
- Tumawag sa 0919-056-GIGI (4444) para sa iyong concerns
- Sasagutin ito ng automated menu, pumili lamang ng tamang option base sa iyong issue
- Pagkatapos pumili, ang concern mo ay ilalagay sa queue at ia-assign sa available agent
- Hintayin ang tawag ng aming team matapos ang 24-48 hours para sa solusyon sa iyong concern.
PAALALA
Ang aming support team ay available Monday hanggang Saturday, 8:00 AM – 7:00 PM lamang.
Ang mga concern na maipapadala lampas sa nasabing oras ay masasagot sa susunod na operational day.










































