Ano ang ELista Installment Plan?
Ang ELista ay isang BUY NOW, PAY LATER program sa GrowSari na pwedeng gamitin ng tindera bilang payment option kapag mag o-order ng paninda. Madalas ginagamit ang ELista kapag kulang sa cash at binabayaran ito sa loob ng pitong (7) araw o depende sa iyong due date.
Ngayon, available na ang ELista Installment plan kung saan mahahati ang total amount due ng order mo sa 3-gives! Ang dating isang bagsakan ng bayad after 7 days, ngayon may mas maraming oras ka na para bayaran kada hulugan, pag ginamit sa orders worth P10,000+
Saan ko makikita ang ELista ko?
Makikita ang current limits mo sa upper right corner ng homescreen. Pindutin ang ELista button para makarating sa My ELista section – dito makikita ang:
- Current & Maximum ELista limits mo
- Iyong collection day
- Current due bills at kanilang breakdown
Kadalasan ang ELista ay pwede gamitin para sa paninda orders & eNegosyo services, pero pag ginamit ang ELista Installment plan, ito ay pambayad sa (Sarimart) orders lang. Ang limit na gagamitin pag nag-avail sa installments ay pareho lang sa available limit displayed sa iyong My ELista section.
Ano ang Terms ng ELista Installment Plan?
TERM | DETAILS |
---|---|
Pwedeng gamitin saan? | (Sarimart) Paninda Orders only |
Number of Installments | 3 equal installments |
Due Dates | 1st Installment: Due on date of delivery 2nd Installment: Due on immediate collection day 7 days after delivery 3rd Installment: Due on immediate collection day 14 days after delivery |
Minimum Order | Single receipt worth Php10,000 or more |
Processing Fee | One time 4.5% processing fee (on order total) |
Late Fee (if applicable) | 3.5% of installment amount that was late, charged every 7 days that installment is not paid. For more details check here. |
Halimbawa ng Installment Plan
Dito makikita mo na parehas ang amount due kada installment, kung saan ang total bill ay ang order amount + processing fee. Makikita mo rin na ang 1st give ay palaging due sa delivery date mismo, kahit hindi siya sa collection day.
Pero ang bayad para sa 2nd give ay sa next collection day (sa example na’to, kada Wednesday) na 7 araw pagkatapos ng delivery & ang 3rd give ay sa collection day 14 days after delivery.
Paano mag-avail sa ELista Installment Plan?
- Mag add to cart ng Sarimart paninda orders worth P10,000 or higit pa
- Bago mag-checkout, mag message sa Saripay FB page para mag-avail
- Ibigay ang store details & i-confirm ang order sa FB
- Makakatanggap ka ng full installment breakdown
- Si (FB) agent ay magbibigay ng assistance sa iyong pag checkout
- Kapag successful ang order, ang pagbayad ng ELista bill mo ay maging due ayon sa schedule na binigay sa installment breakdown.