Ano ang SukiClub?
Ang Suki Club ay isang programa ng GrowSari kung saan tutulungan ang mga sari-sari store owners katulad mo na mapadami ang mga produktong tinitinda, na hindi na kailangang mag stock-up ng goods o items sa iyong tindahan. May NEW items tulad ng bigas, karne, gulay, prutas, mantika, asukal, frozen foods at iba pa na pwede nang ialok. Mas pinamura ang mga presyo ng items dito sa SukiClub para tumatak sa isipan ng suki mo na isa kang option kaysa pumunta pa sila sa supermarket/palengke.
Isipin mo na lang na para ka nang Shopee o Lazada dahil mag-oorder ang mga suki sa website at taga-confirm ka lang ng orders, kinabukasan ay madedeliver na ito sa tindahan mo at babayaran ka ni suki kapag nagpunta siya para mag pick up ng order.
Paano ako magsisimula? Paano ko ipro-promote ang store ko?
Una ay kailangan muna malaman ng mga suki mo na mayroong SukiClub ‘Online store’ ka na. Bibigyan at kakabitan kayo ng GrowSari ng poster na mayroong QR code — itong QR code ay kailangan ma-scan ng suki para direktang mapunta sa online store mo. Pwede rin pumunta sa app at pindutin ang ‘Share my Store’, i-copy ang link at i-share sa text, FB messenger/status, o sa ano pang social media account na meron kayo.
Isa pa ay bibigyan ka rin namin ng mga online na materyales na maaari mong i-kalat sa iyong sariling FaceBook account, iba pang FB groups, at kung ano pang social media ang meron ka.
Paano ko i-set up ang aking ‘Online Store’?
Pagka-download ng Suki Club App sa Google Play Store, mag-log in gamit ang GrowSari registered number, pagkatapos ay papapiliin kayo ng mga categorya ng paninda na gusto ninyong ibenta. Kapag nakapili na ay pindutin ang NEXT.
Kailangan i-set niyo ang Pick Up Hours ninyo — ito ay ang mga oras na pwedeng kunin o i-pick up ng suki ang kanilang mga orders.
Paano makaka-order ang mga suki?
- Kapag na-scan nila ang QR ng inyong SukiClub poster o nakuha ang inyong link galing sa ‘Share My Link’ sa app, pwede na silang magbrowse ng mga items o products na pwede nilang i-add to cart.
- Kapag mag che-check out na sila ng mga orders, kailangan lang nila sumagot ng mga simpleng katanungan at magbigay ng impormasyon para makapag sign-up.
Kapag umorder sila bago mag cutoff ng 4pm, maaari nila ma pick-up o makuha ang kanilang mga orders kinabukasan ng walang minimum order basta NA-CONFIRM ninyo ang order nila bago ang 5pm cutoff.
*4pm cutoff para mag order ang mga suki
*5pm cutoff para mag confirm ang mga tindera ng orders sa app
Paano i-confirm ang orders ni suki?
- Makikita ang SUKI ORDERS TO CONFIRM sa home screen ng iyong app.
- Kailangan mo ito ma-confirm ng 4-5PM para madeliver ang orders kinabukasan. Bawal mas maaga o mas late.
- Kung ang Total Order Cost sa isang araw ay umabot ng ₱500, magiging FREE delivery. Kung hindi, magkakaroon ng ₱50 delivery fee na sisingilin ng shipper sa araw ng delivery.
- Kung gusto mong maghintay para dumami pa ang order pagkatapos ng 5pm cut off, ang lahat ng mga order ay ihahatid sa araw pagkatapos ma-confirm mo ang orders sa app. I-manage ang mga order ng mga suki upang mapayuhan mo sila kung kailan ang pagkuha ng kanilang order.
- Maaari lamang ma-delay ng isang araw ang di pagconfirm ng orders, kung hindi ay makakansela ang lahat ng order ni suki at uulit sila sa pag place ng orders.
Mode of Payment ng SukiClub Orders
Pwedeng bayaran ang orders gamit ang E-Lista, GrowCoins, at cash-on-delivery.
E-Lista
- Limited time offer! Walang Processing Fee
- Payment rules: Weekly Collection sa Collection Date
- Limit: Paninda Limit
GrowCoins
- Maaari mong gamitin ang kasalukuyang balanse ng GrowCoins na mayroon ka sa iyong GrowSari wallet. Maaari mong buksan ang iyong GrowSari app para makita.
Cash-on-Delivery (COD)
- Bayaran muna nang cash ang mga orders sa shipper tapos singilin ang mga suki kapag i-pipick up na nila ang order nila.
Paano ko malalaman kung may item na biglang Out-Of-Stock sa mga inorder ni suki?
Makikita mo kung aling mga item ang na-proseso sa iyong app. Ang mga out of stock ay makikita sa ilalim ng CANCELLED. Kung higit sa isang suki ang nag-order ng parehong item, ngunit kulang na ang stock, kailangan mong magpasya o pumili kung sino sa mga suki ang makakatanggap ng item at sabihan ang suki na hindi makakatanggap.
Paano ko makukuha ang items? Paano ang delivery?
Ang iyong mga order ay ini-impake base sa item at hindi base sa order ng iyong suki. Kakailanganin mong balik-balikan ang iyong app para makita ang mga order at ihiwalay ang mga items base sa bawat order, i-pack ito nang isa-isa, upang hindi maguluhan at para nakahanda at kumpleto na kapag oras na nang pick up.
Makaka-sigurado ka na hindi na kailangang timbangin o hatiin ang anumang mga produkto lalo na sa mga prutas/gulay dahil naka-pack na ang items isa-isa/hiwalay.
TANDAAN: Ang orders ay nakapack per item, hindi per suki!
Paano kapag pick-up na ng orders?
Pagka deliver ng shippers sa inyo ng mga items, i-pack lang ito base sa mga order ng iyong suki. Ibigay ang mga items kay suki at kunin ang bayad (Cash-on-delivery). Pumunta sa SukiClub app, sa Home Tab makikita ang Suki Customer Pick Ups, at pwede nang i-click ang ‘Mark as Picked Up’ ang order ng customer.
Para sa mga items na kailangan na mapanatiling sariwa, insulated bags ang gagamitin sa delivery. Kailangan lang ay i-store ito sa refrigerator/chiller habang hindi pa ito kinukuha ng inyong suki.
Paano ako makakasiguro na FRESH dadating ang orders?
Para sa mga items na kailangan na mapanatiling sariwa, insulated bags ang gagamitin sa delivery. Kailangan lang ay i-store ito sa refrigerator/chiller habang hindi pa ito kinukuha ng inyong suki.
Paano ko masisigurado na maganda ang items (good quality) na makukuha ni suki?
Sinisuguro ng GrowSari na maayos at magandang klase ang mga items na tinitinda sa SukiClub. Kung meron mang problema sa delivery, agad lang ito i-report sa loob ng 24 oras nang ma-deliver ang orders upang mabigyan ng aksyon.
Paano kung may problema sa SukiClub orders o sa delivery?
Option 1: BUKSAN AGAD ANG ORDERS kasama ang shipper para kung sakali na di maayos at kulang ang na deliver ipaalam agad ito sa shipper para maibawas agad namin agad ito sa iyong babayaran.
Option 2: Kapag hindi nagawa ang option 1, tumawag sa GrowSari Hotline 0919-056-4444 sa loob ng 24 oras nang makuha ang delivery para ma resolba ang isyu.
What happens at suki pick-up?
You need to find all the items that your suki ordered, pack them properly and give it to them & collect payment, all COD. After which, you need to click ‘Mark as Picked Up’ in the Orders tab of your SukiClub app.
Paano mag simula? Paano ang set up ng SukiClub?
- Buksan ang Growsari app, pindutin ang Suki Club button sa ONLINE SHOPPING section o pumunta sa info.sukiclubph.com
- Basahin ang flow ng programa sa website
- I-download ang SukiClub App sa inyong Play Store
- Sagutan ang maikling quiz upang mas maging pamilyar sa app at mas maintindihan ang programa
- I-log in ang iyong GrowSari registered number
- I-set up ang iyong tindahan
- I-promote ang iyong online store sa lahat ng loyal suki mo
Pwede ba akong mag-order para sa sarili kong tindahan?
Pwede, ka-Sari! Ito ang steps:
- Buksan ang Suki Club Store app, at pumunta sa STORE tab.
- I-click ang “Go to My Store.” Dadalhin ka nito sa Suki Club website kung saan nag-oorder ang mga suki, automatic na sa iyong store madidirekta
- Pumili ng item na gustong bilhin
- Tapusin ang sign up flow
- Mag lagay ng order
- Bumalik sa Suki Club Store app, at mag confirm ng iyong order sa ‘Suki Orders to Confirm’ section, para ma-process ito kasabay ng ibang orders.
Ano ang flow ng pag-order ng aking mga customer?
- Sa homescreen ng app, pindutin ang ‘Share my Store’ para ma-send ang link sa mga suking gustong bumili o kung ikaw ay may SukiClub poster, ipa-scan na lang kay suki ang QR code at direkta silang mapupunta sa website
- Mag-browse na siya at mag-select ng mga gustong bilhin
- Mag cart checkout na. Sa checkout may mga detalye silang ibibigay o sasagutin para instant sign up na sa website.
- Ipaalala sa mga suki na mag cart checkout ng 4pm bawat order
- Antayin nilang dumating ang orders nila sa iyong tindahan at bayaran sa mismong araw ng pick-up ang kanilang orders via cash.
Para sa tindera: Tandaan na dapat bago mag 5pm ay na-confirm na ang lahat ng orders para siguradong dadating ang orders nila kinabukasan.