Uncategorized

Super Tindera Academy: Ang Online Learning Offer para sa mga aspiring Sari Sari Store owner handog ng Growsari

No Comments

Ang SuperTindera Academy (STA) ay libreng online learning platform ng Growsari para sa mga aspiring sari-sari store owners. Matuto kung paano mag simula ng isang sari sari store o negosyo at kung paano palakihin at palaguin ang iyong tindahan gamit ang smart na negosyo strategies, digital tools, at promotional tips mula sa 400,000+ kapwa niyong tindera owners nationwide.

Ano ang mga matutunan sa Super Tindera Academy?  

  1. Matutunan ang mga steps sa pagbubukas ng sari-sari store
  2. Alamin kung ano ang mga tamang produkto na pwedeng ibenta sa bagong bukas na tindahan
  3. Makakuha ng mga bagong strategy sa pagbebenta, online man o dagdag na negosyo tulad ng load, bills pay at iba pa.
  4. Magkaroon ng access sa perks at suporta mula sa trusted partner tulad ng Growsari

Kapag natapos mo ang SuperTindera Academy makakuha ka ng e-certificate at lakas ng loob para mag simula ng iyong tindahan at sasamahan ka ng Growsari negosyo mentor agents para gumabay sa iyong unang order at para sumagot sa iyong mga katanungan. Hindi lang yan, kayo rin ay may chance na maisama sa official facebook group para makakuha ng tips sa mga starting tindera owners tulad mo. Ika nga nila, kapag nag sisimula ng isang negosyo masaya kapag meron kang kasama! 

Marami nang tindera ang nakaranas ng pagbabago sa kanilang tindahan dahil sa Super Tindera Academy. Mas naging organisado ang pamamahala nila, dumami ang customer, at lumaki ang kita.

Handa ng mag-enroll sa Super Tindera Academy? Mag-enroll na gamit ang google form na ito: growsari.co/STAEnrollment

Tags: Uncategorized

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

Pay Bills on Growsari!