Uncategorized

Paano gamitin ang Verify GS Personnel at umiwas sa SCAM?

No Comments

Marami ang nagpapanggap na GrowSari agent, shipper, o caller. Kilatisin muna kung ang item na binebenta nila sa iyo ay meron sa GS app mo o wala. Mainam na tandaan:

Bago maniwala, Tingnan ang S-C-A-M:

  • Suot – tingnan ang suot ng agent o shipper. Dapat may suot silang: GrowSari Official ID, GrowSari Shirt, & Pants
  • COD – alamin ang mode of payment. Cash On Delivery, GrowCoins, at E-Lista lang ang payment methods. Magbayad lamang ng items na inorder galing sa GS app o sa telepono kausap ang GrowSari Customer Service.
  • Awto – alamin ang sasakyan na gamit. Ang mga ginagamit pang deliver ay L300 lang or totoong Delivery Van. HINDI personal na sasakyan.
  • Mga tinda – alamin kung ang ino-offer sayo na items ay siyang galing sa GS app. Hindi nagbebenta ang GrowSari ng school supplies na hindi galing sa National Bookstore section ng GrowSari app, o ng razor/shaver (pang-ahit), o mga baterya. I-double check kung inorder ito sa GS app.

Kapag nahihirapan alamin kung legit ang isang empleyado ng GrowSari, gamitin na ang bagong feature sa app na Verify GS Personnel. Pumunta sa ‘Account’ para makita.

Paano Gamitin ang Verify GS Personnel?

1. Pumunta sa Account at hanapin ang Verify GS Personnel. 

2. Pindutin ang Verify GrowSari Personnel.

3. Pumili sa Scan QR o Enter 4 Digit Code. Kailangan hingin ito sa Agent/Shipper.

4. Kapag Scan QR ang pinili – i-scan ang QR na ipapakita ng GS agent.

5. Kapag 4 Digit Code ang pinili – i-input ang 4 digit code na binigay

6. Malalaman na kung verified o hindi.

7. Kung lumabas na hindi verified, pwedeng nag-expire na ang QR ng agent. Kapag kaduda-duda ang tao, huwag i-entertain.

 

Mas ligtas kayo mga ka-Sari dahil araw-araw nagpapalit ang QR code ng ating mga agent o shipper.

Wala pang Verify GS Personnel sa app? Mag-update ng app sa Google Playstore na!

Tags: Uncategorized

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

Negosyo From Home? Maging Online Reseller na!
Shopee Voucher Codes Para Sa’yo!
Menu