Ano ang E-Lista?
Ang ELista ay isang BUY NOW, PAY LATER program sa GrowSari App na pwedeng gamitin ng tindera bilang payment option kapag mag o-order ng paninda o gagamit ng eNegosyo services tulad ng Load o Pay Bills. Madalas ginagamit ang ELista kapag kulang sa cash at binabayaran ito pagkatapos ng pitong (7) araw o depende sa nakatakdang due date.
Paano magkaroon ng ELista?
Mag-order lang ng paninda 3x sa loob ng dalawang buwan para ma-qualify sa ELista!
- Ang tatlong paninda orders ay isa sa mga susi para ma-unlock ang ELista. Makakakuha ka ng notification kapag may ELista na!
Ano ang dapat malaman sa Credit Limit ko?
- Ang ELista limit ay ang maximum na pwedeng gamitin linggo-linggo.
- Ex: Kung may 10,000 credit limit ka para sa Paninda, maaari itong gamitin para bumili ng hanggang P10,000 halaga ng paninda mula sa GrowSari bawat linggo
- May dalawang klase ng limits sa ELista – (1) para sa paninda, at (2) para sa eNegosyo
- Makikita mo ang dalawang limits sa My ELista section mo. Magkahiwalay sila – kapag ginamit mo ang isa, hindi maapektuhan ang kabila.
- Ang iyong credit limit ay base sa halaga na binibili o tina-transact mo mula sa GrowSari.
- Ex. Kapag ang weekly paninda na binibili ay P5,000 at ang weekly transactions sa eNegosyo ay P4,000, halos ganito rin ang katumbas na limit na ibibigay sa inyo o pwedeng mas mataas pa!
Ano ang mga fees sa paggamit ng ELista?
Isa lamang ang FEE ng ELista, ito ay ang ONE-TIME Processing Fee. Ngunit, may Late Payment fee na macha-charge tuwing hindi makakabayad sa due date.
1. ELista Processing Fee
Kapag sa Paninda ginamit ang ELista, may one-time (1 beses lang) flat processing fee of 3.5% (hindi umaakyat ang rate nito) sa items na successfully delivered. Kung sa eNegosyo services naman ginamit katulad ng Load o Pay Bills – NO Processing fee
2. Late Payment Fee
- Ang Late Payment Fee na 3.5% ay ma-chacharge kapag hindi nabayaran ang ELista bill sa takdang araw ng due date. Ito ay ma-chacharge bawat linggo kung hindi pa rin nakapagbayad sa susunod na due date, hanggang nabayaran na ang buong ELista bill.
- Para makaiwas, magbayad ON or BEFORE your due date. Para maging mas malinaw, tignan ang examples sa [section name] o basahin ang karagdagang detalye dito.
Paano Gamitin ang ELista?
Kapag activated ka na sa ELista, makikita na ang current limits mo sa kanang itaas na bahagi (upper right corner) ng app. Pindutin ang ELista button para makarating sa My ELista section – dito makikita ang:
- Current & Maximum Paninda at Enegosyo limits mo
- Iyong collection day
- Current due bills at kanilang breakdown
Pwede na gamitin ang ELista para bayaran ang order na paninda, at sa biniling Load ng suki o pambayad sa Pay Bills service. Kailangan lang piliin ang ELista bilang payment method!
Kailan ko dapat bayaran ang ELista bill ko?
Ang iyong ELista bill ay WEEKLY bill na pinagsama ang mga transactions na ginawa sa loob ng isang linggo* at kokolektahin sa nakatakdang collection day. Ang schedule ng pangongolekta ay depende sa transaction type:
- Paninda Orders: Bayaran sa susunod na collection date pagkatapos ng 7 na araw nang magamit ang ELista (Pay on the next collection date that falls AFTER the 7 days you used your ELista)
- eNegosyo Services: Ito ay kailangan bayaran agad sa araw ng pinakamalapit na collection date
*Ang transactions na ginagawa (1) araw bago ang collection day ay masasama sa bill ng susunod na linggo pa.
Para mas maintindihan, tingnan ang halimbawa:
- Kapag ginamit ang ELista at nagbayad on time:Dito, parehong ginamit ang ELista sa Paninda at sa eNegosyo Load ng Thursday (araw ng 1), at makikita na Saturday ang kanyang nakatakdang Collection Day. Ibig sabihin nito, ang eNegosyo ELista bill lamang ang kokolektahin ng iyong shipper sa Saturday (sa araw ng 3) dahil ang eNegosyo transactions lang ang dapat paid agad sa allotted Collection date mo.
Ang ELista Paninda naman ay babayaran pa AFTER AT LEAST 7 days sa susunod na collection date, kaya sa NEXT Saturday (araw ng 10) pa ang due date ng Paninda ELista bill. Kaya kung mapapansin mo, minsan higit pa sa 7 days bago mag collect ang shipper.
- Sa Paninda Order, kapag Late Payment:
Dito sa calendar makikita na ginamit ang ELista sa Paninda ng Thursday (sa araw ng 1) worth Php1,000- dahil Paninda order ito, after at least 7 days pa babayaran sa next collection date (araw ng 10) na ang Total due ay Php1,035 dahil sa 3.5% Processing Fee.
Kung hindi nakapagbayad ng due bill (sa araw ng 10), sa next collection date na 17 ay may dagdag na ito na 3.5% Late Payment Fee, kaya ang Total due ay Php1,075 na. Kung sa 17 ay hindi pa rin makabayad, madadagdagan uli ito ng isa pang 3.5% Late Payment Fee sa next Collection Date ng 24, na ang Total due ay naging Php1,105.
Kaya sa unahan, Php1000 ang Paninda amount ng ELista na hiniram + 3.5% Processing Fee = Php1,035 ang total due dapat sa araw ng 10. Dahil hindi nakabayad ng dalawang beses o dalawang Collection date na ang nakalipas, ang total na ay naging 1,105 sa araw ng 24.
- Kapag ginamit sa Enegosyo Services, Late Payment:
Dito sa calendar makikita na ginamit ang ELista para sa eNegosyo (Load o Pay Bills) worth Php500 sa araw ng Sunday (4) – sa Saturday (10) magbabayad rin ng Php500, dahil ang ELista sa eNegosyo ay walang processing fee. Kaya kung ano ang siyang Load o Pay Bills na hiniram, yun lang din ang babayaran na amount.
Dito makikita na hindi nakabayad sa Collection Day (na araw ng 10), kaya sa next Collection Day (ang araw ng 17) ay may dagdag na ito ng 3.5% Late Payment Fee na total of Php517.50 due. Kung hindi pa rin siya nakabayad ng ELista (sa araw ng 17), ay may isa pa uli itong dagdag ng 3.5% Late Payment Fee- ang total na ay Php535.
Bakit? Php500 ang dapat nabayaran (sa araw ng 10), pero dahil hindi nakapagbayad sa dalawang Collection Day (araw ng 10 at 17) dalawang beses nadagdag ang 3.5% Late Fee. Kaya ang total na ay 535 pesos sa araw ng 24.
FAQ | Answer |
---|---|
Pwede ba magbayad via installments sa ELista bill ko? | Walang installment o minimum due ang ELista. Buo lamang kino-collect ang bill sa ELista at ang hindi pagbayad ng buo ay may karagdagang late fee sa inyong bill. |
Saan ko makikita ang breakdown ng aking ELista bill? | Sa homescreen, pindutin ang ELista button (katabi ng GrowCoins) para mapunta sa My ELista. Kung may due bill ka, makikita mo ito sa Current Bills section mo - pindutin lang ang “Manage Bill” button para makita ang breakdown. Makakatanggap ka rin ng resibo na may kasamang breakdown sa araw ng collection day galing sa GrowSari collector. |
Paano tataas ang aking ELista limit? | Kapag lagi mong (1) ginagamit ang ELista, (2) on-time magbayad, at (3) ginagamit ang buong credit limit o karamihan nito, maaaring taasan ang iyong ELista limits. |
Pwede ba magbayad ng ELista due kahit wala pa si collector? | Pwedeng magbayad ng ELista bill anytime gamit ang iyong GrowCoins - kapag sapat ang iyong GrowCoins balance pumunta lang sa My ELista section at piliin ang “Pay Elista gamit GrowCoins”. Kapag di sapat ang balanse, madali mag-top up ng GrowCoins online gamit ang Linked Bank Account o E-wallets. Pindutin lang ito sa My Wallets section for further instructions on instant top up. |
Paano ko masisiguradong confirmed ang binayaran ko sa collector? | Makakatanggap ka ng e-receipt sa GrowSari app kapag successful ang bayad mo kay collector. Siguraduhing i-check ito bago umalis ang collector at siguraduhing reflected na ang payment sa inyong GrowSari app para iwas scam. |
Bakit nabawasan o na-deactivate ang ELista limit ko? | Maaaring magkaroon ng temporary suspension ang ELista limit mo kung (1) consistently late ang iyong pagbayad, o (2) Hindi ito ginagamit. Maaari naman bumaba ang limit kapag (1) Maliit na halaga lang ang ginagamit mula sa total credit limit. Para maiwasan ang mga ito, laging magbayad on time, at taasan ang halaga ng binibili at tina-transact. |
Anong pwedeng gawin kapag may issues akong naranasan tungkol sa late fees/collection schedule? | Kapag may concerns tungkol sa fees, billing, o collection ng ELista, huwag mag-alala! Tawagan lang ang customer care sa 0919-056-4444 at i-report, gagawin namin ang aming makakaya para maresolba ang isyu. |