Uncategorized

How to Use E-Lista

No Comments

Ano ang E-Lista?

  1. Dagdag puhunan sa E-Lista!
    • Ang E-Lista ay isang BUY NOW, PAY LATER program sa loob ng GrowSari App na pwedeng gamitin ng sari-sari store owners para bumili ng paninda o mag-transact sa e-Negosyo. Gamitin ito pag kailangan ng extra puhunan at bayaran lang sa nakatakdang due date.
  2. Kulang ang cash? Sa E-Lista na tayo!
    • Kapag hindi sapat ang cash on-hand para sa pagrerestock sa tindahan, gamitin agad ang E-Lista para matugunan ang demand ng mga suki niyo. Ang E-Lista ay narito para tulungan ang mga Super Tindero at Tindera na masigurong laging may lamang stocks ang tindahan.
  3. Low processing fee, pay 7 days later!
    • Hindi kayo malulugi sa paggamit ng E-Lista! Samantalahin ang low processing fee na 0% sa e-Negosyo at 3.5% sa paninda – di hamak na mas mababa kumpara sa ibang buy now, pay later programs (na up to 20% ang interes). May at least 7 days din bago kailangang bayaran ang E-Lista bill – sapat na panahon lang para mabenta ang mga panindang binili!

Paano ako magkakaroon ng E-Lista?

  1. Mag-order lang ng paninda 3x sa loob dalawang buwan para ma-qualify sa E-Lista!
    • Ang tatlong paninda orders ay isa sa mga susi para ma-unlock ang E-Lista. Makakakuha ng notification kapag may E-Lista ka na!
  2. May mga tips ba para makakuha ng E-Lista?
    • Dalasan ang pagorder ng paninda at mag-transact lagi ng e-Negosyo services mula sa GrowSari App. Gamitin din madalas ang iyong GrowCoins Wallet sa pagbayad!

Ano ang E-Lista Credit Limit?

  1. May dalawang klaseng limits sa E-Lista – isa para sa paninda, at isa pa para sa e-Negosyo.
    • Pag activated na ang iyong account, may makikita kang dalawang limits sa loob ng GrowSari App. Ang isa ay para sa Paninda, at ang isa pa ay para sa e-Negosyo. Magkahiwalay ang limits ng dalawang ito – kapag ginamit mo ang isa, hindi maaapektohan ang kabila.
  2. Ang E-Lista limit ay ang maximum na pwedeng gamitin linggo-linggo.
    • Kung ikaw ay mabigyan ng P10,000 credit limit para sa Paninda, maaari kang bumili ng up to P10,000 worth of products mula sa GrowSari App kada linggo basta’t mabayaran ito pagdating ng due date.
  3. Ang iyong E-Lista credit limit ay base sa amount na binibili o tina-transact mo mula sa GrowSari app.
    • Pag na-activate na ang iyong E-Lista, ang Paninda at e-Negosyo limits mo ay malapit sa kung ano ang kadalasang halaga ng transactions mo. Halimbawa, bumibili ka ng Paninda na worth P10,000 at binabayaran ito ng COD, at P7,000 naman ang tinatransact sa e-Negosyo, ang iyong E-Lista credit limit ay malapit dito.

Saan magagamit ang E-Lista?

    1. FMCG Ordering (GrowSari, Marketplace)
      • Pwedeng gamitin ang E-Lista sa mga Paninda sa GrowSari app. Ibig sabihin, pwede itong magamit pag bumibili mula sa GrowSari merchant, at sa iba pang merchant sa Marketplace section ng app – tulad ng San Roque Supermarket, National Bookstore, at iba pa.
    2. Pay Suppliers (coming soon!)
      • Maaari ring gamitin ang E-Lista sa iba pang mga supplier na tumatanggap ng E-Lista payments sa labas ng GrowSari app. Halimbawa, may mga sari-sari store owners na maaaring magbayad gamit ang E-Lista pag bumili mula sa San Roque Supermarket branches. Sa ngayon, maaaring bayaran ang ibang suppliers sa “Distribution” category sa loob ng Bills Payment.
    3. E-Negosyo
      • Maaaring gamitin ang E-Lista para sa e-Negosyo services tulad ng Prepaid Load, Gaming Pins, at Pay Bills with 0% processing fee

Paano tataas ang aking E-Lista limit?

  1. Kailan tataas ang aking E-Lista limit?
    • Kung lagi mong (1) ginagamit ang E-Lista, (2) on-time magbayad, at (3) ginagamit ang malaking pursyento ng iyong credit limit, maaaring mataasan ang iyong E-Lista limits.

Na-deactivate ang aking E-Lista / Nabawasan ako ng limit. Bakit ito nangyari?

  1. E-Lista deactivation or temporary suspension
    • Maaaring ma-deactivate E-Lista sa iyong app kung late ang iyong pagbayad, o kaya naman ay hindi ito madalas gamitin sa app. Para manatiling active ang iyong E-Lista, pinapayo namin na laging magbayad on time at laging gamitin ang E-Lista sa Paninda orders at e-Negosyo transactions.
  2. Limit reduction
    • Maaaring bumaba ang iyong E-Lista limit kapag maliit na halaga lang ang ginagamit mula sa total credit limit. Para maiwasan ito, taasan ang halaga ng binibili at tinatransact at laging magbayad on-time – pwede din itong magresulta sa pagtaas ng iyong credit limit.

Ano ang mga fees sa paggamit ng E-Lista?

  1. Processing Fee
    • Ang mga Paninda orders ay may 3.5% processing fee sa kada order. Ang fee na ito ay dapat bayaran 7 days pagkatapos ng delivery.
    • Para sa Key Account stores, ang processing fee ay 2%.
    • Tandaan na ang mga processing fee na ito ay para lang sa Paninda orders, at hindi kayo masisingil para sa mga items na hindi na-deliver o items na nag-out of stock.
    • Para sa E-Negosyo, ang 0% ang processing fee para sa lahat ng stores.
  2. Late Fee
    • Kung sa araw ng collection 7 days after due date ay hindi mabayaran ang credit bill, ang iyong account ay macha-charge ng additional late fee na 3.5%. Tandaan na ang late fees ay china-charge linggo-linggo. Ibig sabihin, kung hindi mabayaran ang bill ng tatlong beses, ang 3.5% late fee ay magiging tatlong beses na mas malaki.

Saan ko makikita ang breakdown ng aking E-Lista bill?

  1. Inside the app
    • I-open ang GrowSari app at pindutin ang E-Lista Paninda Limit. Makikita dito ang iyong mga credit bills. Kung gusto mong makita ang breakdown ng isang specific na bill, magpunta lang sa “Manage Bill” – dito mo makikita ang lahat ng iyong naging transaction na nasama sa bill na iyon.
  2. On collection day
    • Isa pang paraan ay hintayin ang due date ng iyong credit bill. Sa araw na iyon, darating ang isang GrowSari collector para kunin ang bayad para sa iyong E-Lista bill. Ang collector ay magpapakita ng resibo at dito mo makikita ang breakdown ng iyong mga transactions sa Paninda, e-Negosyo, at iba pa.

May installment/ minimum due ba ang E-Lista?

Walang installment o minimum due ang E-Lista. Buo lamang ang singilan sa E-Lista at ang hindi pagbayad ng buo ay may karagdagang late fee sa inyong bill. Mainam na orderin lamang ang kayang bayaran malipas ang isang (1) linggo para sa mga biniling Paninda at siguraduhing nakatabi na ang pambayad para sa mga e-Negosyo (load at bills payment) dahil ito ay walang palugit gaya ng FMCG.

Gusto ko magbayad para magkaroon ako ulit ng credit limit ngunit wala pang collector. Ano ang gagawin ko?

Pwedeng magbayad gamit ang online payment, e-wallets, at over-the-counter options

Ang inyong E-Lista ay pwedeng bayaran sa apat (4) paraan:

  • Sa Collector
      • Kayo ay bibisitahin ng aming collector sa inyong collection day na makikita sa inyong store app. Makatatanggap ng SMS sa parehong araw at doon ninyo makikita ang pangalan ng collector na pupunta sa inyong store. May dala-dala rin itong resibo na mayroong QR code na pwedeng i-scan para ma-verify ang collector. Huwag magbayad sa hindi verified na collector upang maiwasang ma-scam. Hinatayin na magreflect ang payment sa inyong store app at ma-clear ang status ng inyong E-Lista bago paalisin ang collector para masigurong na-clear na ang balanse matapos niyong iabot ang bayad. 
  • Sa Online at E-Wallets
      1. Gamit ang BPI, RCBC, UnionBank, at BDO 
      2. I-click ang Growcoins > Makikita ninyo ang My Wallets > Bank Account (online) > Linked bank account > makikita doon ang step-by-step instructions
      3. Gamit ang Coins.ph
      4. I-click ang Growcoins > Makikita ninyo ang My Wallets > E-Wallets > Coins.ph > makikita doon ang step-by-step instructions
  • Over-the-counter
      1. Gamit ang Cebuana Lhuillier, M Lhuillier, 7-Eleven
      2. I-click ang Growcoins > Makikita ninyo ang My Wallets > Bank Account (online) > Linked bank account > makikita doon ang step-by-step instructions
  • BDO Branch
    1. Magpunta sa kahit anong BDO branch na malapit sa inyo at magbayad ng GrowSari E-Lista sa over-the-counter kumuha ng Bills Payment Slip. Siguraduhing tama ang mga detalye:
      1. Company: Growsari Enterprise Inc.
      2. Subscriber Name: <ilagay ang inyong store name> AT <ilagay ang pangalan ng registered store owner>
      3. Subscriber Account: <ilagay ang inyong store username>

Paano ko masisiguradong confirmed ang binayad ko sa collector/ shipper na bumisita?

Makakatanggap ng e-receipt sa inyong GrowSari app pagkatapos ninyong mabayaran ang bill ninyo sa collector/shipper. Siguraduhing i-check ito pagkatapos magbayad ng bill. Bago umalis ang collector ay siguraduhing reflected na ang payment sa inyong store app para iwas scam.

Kailan ang collection day ng aking E-Lista bill at kailan ako pwede magbayad?

Para malaman ang inyong collection day, pumunta lamang sa E-Lista section (sa top right, sa tabi ng Growcoins) at pindutin ang ‘View Breakdown’ na button para makita kung ano ang pinaggamitan niyo ng E-Lista at ang collection day.

Paninda/ FMCG: ito ay mabi-bill sa inyong account matapos ang isang (1) linggo o pitong (7) araw

E-Services (load at bills payment): ito ay mabi-bill sa inyong account AGAD at sisingilin sa pinakamalapit na collection day. Bayaran agad pagdating ng collection date dahil walang palugit ang pagbayad ng e-Negosyo.

*may mga pagkakataon na ang collection day ay maaaring baguhin ng GrowSari kung may mga pagbabago sa ruta ng shipper o collector sa inyong area. Gayon pa man ay mabi-bill lamang kayo pag lumipas na ang 1 linggo para sa paninda/ FMCG, habang agaran naman ang collection para sa inyong e-Negosyo.

Pwede ka magbayad ON/ BEFORE your due date (collection day) para makaiwas sa late fee. Kapag gusto mo ng magbayad ng mas maaga, gamitin ang Online Payment o Over the Counter Options.

Ilang days yung covered sa weekly E-Lista bill ko?

Ang inyong weekly bill ay ipinagsasama ang mga transactions na ginawa sa loob ng isang linggo at kokolektahin sa inyong collection day.

Ang hindi masasama sa bill ay ang mga transactions isang (1) araw bago ang inyong collection day. Lahat ng transaction na gagawin bago mag collection day ay sa susunod sa linggo pa masasama sa inyong bill.

Halimbawa:

[Para sa mga e-Negosyo Transactions: Load/ Bills Payment]:

Kung tuwing Biyernes ang inyong collection day, ang transactions na kasama sa bill ay ang mga ginawa mula Sabado ng nakaraang linggo hanggang Miyerkules ng kasalukuyang linggo.

Eto ay sisingilin agad sa inyong collection day (Biyernes).

[Para sa mga paninda/ FMCG]:

Kung tuwing Biyernes ang inyong collection day, ang transactions na kasama sa bill ay ang mga paninda na na-deliver noog nakaraang linggo (at least 7 days bago ang inyong collection day).

Eto ay sisingilin matapos ang isang (1) linggo/ pitong (7) araw.

Tandaan na iisa lamang ang inyong collection day. Kaya kung kayo ay may FMCG order ng Lunes noong nakaraang linggo na Php 5,000, at umorder ulit kayo ng parehong linggo ng FMCG na Php 3,000, ang mabi-bill sa inyo sa Biyernes sa susunod na linggo ay Php 8,000.

Paalala: walang hiwalay na resibo ang FMCG at E-Services. Pinaghiwalay lamang dito upang masmadaling intindihin.

Tags: Uncategorized

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

Ano ang QRPh at paano ito gamitin?
Paskong Papremyo 2022
Menu