Uncategorized

ELista Promo🚨 0% Processing Fees sa ELista!

No Comments

Walang fees sa iyong first 3 Paninda orders! 

Maaaring eligible ka sa ELista 0% Processing Fee Promo 🥳! WALANG ELISTA FEES for first-time users (up to 3 Paninda orders).

Umorder lang sa Paninda section ng Growsari app at piliin ang ELista bilang payment method. Automatic na “Processing Fee (FREE)” ang lalabas sa checkout screen kung ikaw ay eligible para sa promo.

Promo valid until December 31, 2023

Ano ang E-Lista?

Ang ELista ay isang BUY NOW, PAY LATER program sa GrowSari App na pwedeng gamitin ng tindera bilang payment option kapag mag o-order ng paninda o gagamit ng eNegosyo services tulad ng Load o Pay Bills. Madalas ginagamit ang ELista pang dagdag paninda at binabayaran ito pagkatapos ng pitong (7) araw o sa agarang panahon gamit ang GrowCoins or QRPh.

Ano ang regular na fees sa paggamit ng ELista?

Isa lamang ang FEE ng ELista, ito ay ang ONE-TIME Processing Fee. Ngunit, may Late Payment fee na macha-charge tuwing hindi makakabayad sa due date.

Kapag sa Paninda ginamit ang ELista, may one-time (1 beses lang) flat processing fee of 3.5% (hindi umaakyat ang rate nito) sa items na successfully delivered. Kung sa eNegosyo services naman ginamit katulad ng Load o Pay Bills – NO Processing fee.

  • Ang Late Payment Fee na 3.5% ay ma-chacharge kapag hindi nabayaran ang ELista bill sa takdang araw ng due date. Ito ay ma-chacharge bawat linggo kung hindi pa rin nakapagbayad sa susunod na due date, hanggang nabayaran na ang buong ELista bill.  
  • Para makaiwas, magbayad ON or BEFORE your due date. Para maging mas malinaw, tignan ang examples sa [section name] o basahin ang karagdagang detalye dito.

Ano ang dapat malaman sa Credit Limit ko?

  1. Ang ELista limit ay ang maximum na pwedeng gamitin linggo-linggo.
    • Ex: Kung may 10,000 credit limit ka para sa Paninda, maaari itong gamitin para bumili ng hanggang P10,000 halaga ng paninda mula sa GrowSari bawat linggo 
  2. May dalawang klase ng limits sa ELista – (1) para sa paninda, at (2) para sa eNegosyo
    • Makikita mo ang dalawang limits sa My ELista section mo. Magkahiwalay sila – kapag ginamit mo ang isa, hindi maapektuhan ang kabila.
  3. Ang iyong credit limit ay base sa halaga na binibili o tina-transact mo mula sa GrowSari.
    • Ex. Kapag ang weekly paninda na binibili ay P5,000 at ang weekly transactions sa eNegosyo ay P4,000, halos ganito rin ang katumbas na limit na ibibigay sa inyo o pwedeng mas mataas pa!
  4. Maaring itaas ang Credit Limit sa pagbayad ng ELista Bill sa tamang panahon o sa pag gamit ng QRPh o GrowCoins sa pagbayad. 
    • Ang ELista Bill mo ay due sa susunod na collection day pagkatapos ng pitong araw (7 days). Para hindi mo na kailangan hintayin ang collector, magbayad ka na agad gamit ang QRPh code mo o ang iyong GrowCoins Wallet. Kapag lagi ka gumagamit ng ELista at binabayaran mo ito on-time, mas marami kaming mapapahiram na pondo para sa iyong negosyo!

Paano Gamitin ang ELista?

Kapag activated ka na sa ELista, makikita na ang current limits mo sa kanang itaas na bahagi (upper right corner) ng app. Pindutin ang ELista button para makarating sa My ELista section – dito makikita ang:

  1. Current & Maximum Paninda at Enegosyo limits mo
  2.  Iyong collection day
  3. Current due bills at kanilang breakdown

Pwede na gamitin ang ELista para bayaran ang order na paninda, at sa biniling Load ng suki o pambayad sa Pay Bills service. Kailangan lang piliin ang ELista bilang payment method! Ang E-Lista payment method ay maaring (1) collector o (2) GrowCoins Top-Up via QRPh. 

  • Collector: Magbayad ng cash kapag pumunta na sa tindahan mo ang GrowSari Shipper. 
  • GrowCoins Top-Up via QRPh: Mag top-up sa GrowCoins gamit ang QRPh code mo para mag bayad agad-agad. Hindi na kailangan hintayin ang collector dito! Magbayad lamang sa loob ng GrowSari App. 

Kailan ko dapat bayaran ang ELista bill ko?

Ang iyong ELista bill ay WEEKLY bill na pinagsama ang mga transactions na ginawa sa loob ng isang linggo* at kokolektahin sa nakatakdang collection day. Ang schedule ng pangongolekta ay depende sa transaction type:

  • Paninda Orders: Bayaran sa susunod na collection date pagkatapos ng 7 na araw nang magamit ang ELista (Pay on the next collection date that falls AFTER the 7 days you used your ELista)
  • eNegosyo Services: Ito ay kailangan bayaran agad sa araw ng pinakamalapit na collection date

*Ang transactions na ginagawa (1) araw bago ang collection day ay masasama sa bill ng susunod na linggo pa.

Get Your QRPH Code Now!

Click “My Saripay QRPh” sa homepage ng  GrowSari app

Tags: Uncategorized

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

Iba-ibang Shops ng Growsari!
Pay Suppliers 📱 tulad ng mga supermarket gamit ang Growsari app!