Napapansin mo ba minsan na napapatanong ka sa sarili kung magkano ba nila pinepresyo ang ibang paninda? Kanino nga ba magtatanong? Huwag nang mag-alala, dahil lahat magagawa na sa GrowSari app!
Anong kayang gawin sa Presyo Checker?
Sa Presyo Checker, kayang i-kumpara mo ang presyo mo sa presyo ng iba!
- Ikaw at ang iba pang mga ka-sari ay kayang mag-input ng updated presyo para sa mga paninda na inaalok niyo!
- Magiging laging updated sa presyuhan ng iba – makikita mo ang pinaka mahal, pinaka mura, at average presyo ng tinda, ayon sa totoong input ng ibang tindera
- I-kumpara sa sariling presyo para mai-tatama na ang presyo ng sariling tinda!
Saan makikita ang Presyo Checker?
Buksan ang app at diyan mismo sa Home Page, mag-scroll down. Kapag nakita ang ‘Manage Tindahan’ section, i-click ito at pilliin ang Presyo Checker.
Paano Gamitin ang Presyo Checker?
- Pumunta sa Manage Tindahan section sa ibabang bahagi ng homescreen (mag scroll down) at pindutin ang “Presyo Checker”
- I-type ang paninda na gustong malaman ang presyo
- I-click ang item para malagay ang sariling presyo
- Pagkatapos, makikita mo na ang updated presyo galing sa ibang tindahan – ang Highest, Lowest, at average presyuhan!
- I-review ang presyo mo at ayusin ito kung masyadong mahal o mura