Paano magtop-up ng GrowCoins?
Estimated reading time: 1 min
In this article
Mayroong iba’t ibang paraan upang maka-top up ng GrowCoins. Maaaring pumili sa mga sumusunod:
- Top-up via shipper (magrequest ng GrowCoins top up pagkatapos mag-checkout ng order at bayaran si shipper sa delivery day)
- Linked Online Bank Account Transfer (I-link ang iyong online banking account sa GrowSari app para diretso kang maka-top up)
- Over the Counter Deposit (magrequest ng GrowCoins top up sa GrowSari app, tapos mag deposit ng cash Over the Counter)
- Linked E-Wallet Transfer (I-link ang iyong E-Wallet sa GrowSari app para diretso kang maka-top up)
Summary ng GrowCoins Top Up Options
Top Up kay Shipper via Cash | Linked Online Bank Account | Transfer to Growsari BDO (Outside GrowSari app) | Over the counter Deposit | Linked E-Wallet Transfer (coming soon) | BDO E-Payment*(all in the Growsari App) | |
---|---|---|---|---|---|---|
Description | Mag-request ng Top Up at bayaran via cash kapag bumisita si shipper | I-link ang iyong online banking account sa GrowSari app para diretso kang maka-top up | Mag-transfer ng pera sa BDO account ng GrowSari, gamit ang E-Wallet o Bank app (sa labas ng GrowSari app) | Mag-request ng Top Up sa loob ng GrowSari app, tapos mag deposit ng cash Over the Counter para maka top up | I-link ang iyong E-Wallet sa GrowSari app para diretso kang maka-top up | I-link ang iyong Online Banking account sa GrowSari app para diretsong makapag-Top up |
Available Options | In-person when visited. | BDO, BPI, Unionbank, Chinabank, RCBC | Any Bank account o E-Wallet na kayang mag send money sa BDO account | 7/11, M Lhuillier, Cebuana Lhuillier, BDO branches | GCash, Maya, GrabPay, Coins.ph, Shopeepay | BDO, BPI, UnionBank, Chinabank, at RCBC |
Transaction fee | FREE | FREE | Nag-iiba depende sa Bank o E-Wallet na ginagamit | Nag-iiba depende sa OTC branch | Nag-iiba depende sa E-Wallet na ginagamit | Free (No Fees) |
Kailan makukuha ang Growcoins? | Same Day | BPI, Unionbank, RCBC, Chinabank: INSTANT BDO: Same Day kapag umabot sa 2pm cut off. Hindi applicable sa Sabado o Linggo | Makuha sa loob ng 24h. Hindi applicable sa Sabado o Linggo | Makuha sa loob ng 24h. Hindi applicable sa Sabado o Linggo | INSTANT | BPI, UnionBank, Chinabank, RCBC: Instant ang pasok BDO: Same day ang pasok kapag umabot sa 2pm cut off. Kapag Sabado o Linggo nag top-up, maaaring mag-antay ng 48 hours. |
Requirements upang Gamitin | May Paninda order o Elista Collection (para bumisita ang GrowSari shipper) | Existing online banking account. | Existing E-Wallet o Bank account na makakapag Send Money sa BDO | Malapit na OTC branches | Existing account with GCash, Maya, GrabPay, Shopeepay, o Coins.ph | Dapat may existing Online Banking account sa BDO, BPI, UnionBank, Chinabank, o RCBC |
*Kapag nag-fail ang One Time Payment galing sa BDO, gawin ang mga sumusunod:
Kapag mayroon kang BDO Online App
- Subukan muling mag top up gamit ang BDO One Time Payment sa Growsari App.
- Gamitin ang username at password para sa BDO Online App para ma-kumpleto ang top up.
- Kung nag-fail pa rin ito, tawagan na ang Growsari Hotline for further assistance.
Kapag wala ka pang BDO Online App
- I-download mo ang BDO Online App (Magkaiba ang BDO Online App sa BDO Digital App).
- I-reset ang inyong password sa BDO Online App at mag log in gamit ang new password.
- Kapag naka-log in ka na dito, maaari mo nang subukan ulit mag top up gamit ang BDO One Time Payment sa Growsari App.
- Gamitin ang username at password para sa BDO Online App para ma-kumpleto ang top up.
- Kung nag-fail pa rin ito, tawagan na ang Growsari Hotline for further assistance.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa GrowCoins Top Up, Click Here
Views: 9469