Eserv OnboardingEservicesPanindaQR Code

Paano mag top up ng Growcoins?

1 Comment

Basta’t may GrowCoins, tuloy ang iyong GrowNegosyo!

May New and Improved Top Up methods na para makapag Top Up ng GrowCoins nang hindi na nahihirapan – kung paubos na ang iyong balance, pumunta sa GrowCoins Wallet section (sa kaliwang itaas na bahagi ng app) para makita ang Step-by-Step process ng Top Up methods, o kaya, basahin ito:

Top Up sa Shipper – via Cash :

Pwedeng-pwede mag Top Up ng GrowCoins sa iyong Shipper! Babayaran ito ng cash kapag bumisita na ang shipper at matatanggap ang balance kasabay ng iyong paninda delivery.

May 2 paraan para mag request ng Top Up kay shipper:

  1. Mag-request ng Top Up bago (BEFORE) ang delivery date:
  • Mag-request pagkatapos ng iyong paninda checkout – ilagay lang ang halaga ng gustong i-Top Up sa message na lalabas kapag tapos nang mag-checkout ng paninda items. Bayaran ang Top Up sa next delivery date.
  • O kaya kung hindi napansin ang pop up message, pindutin ang “Request GrowCoins Top Up” sa GrowCoins wallet section mismo matapos mag-order ng paninda.*

*Paalala: Posible lang mag-request dito kapag may pending delivery ka (hanggang 6am ng araw ng delivery) o kung kaka-place mo lang ng order. 

 

  1. Mag-request ng Top Up habang (during) delivery at nandyan pa ang shipper
  • I-scan ang Top Up QR code ni shipper – pagdating ng shipper, pumunta sa GrowCoins wallet section at pindutin ang “Nandito na ang Shipper” button. Sabihin kung magkano ang gustong i-Top Up at bayaran ng cash si shipper bago umalis. Wala nang OTP issues na makukuha!

 

Top Up via Online Bank Account

Kung may online bank accounts ka, kaya mo nang i-link sa GrowSari app para diretso kang maka- top up! Mag-transfer lang ng pera from bank to GrowSari at INSTANT niyo makukuha ang Growcoins!

Pumunta lang sa Growcoins Wallet section at pindutin ang “Bank Account (online)” button para magsimula i-link ang iyong bank sa GrowSari!

Ang banks na currently kayang i-link (directly) are:

  • BPI 
  • Unionbank
  • RCBC
  • Chinabank

Top Up sa BDO Digital Banking App

Pwede na rin mag Top Up sa mismong BDO App mo!

  1. Buksan ang iyong BDO Digital Banking app
  2. Pumunta sa More > Enrollment Services > Enroll Company/Biller
  3. Pindutin ang Company/Biller, at piliin ang GROWSARI ENTERPRISE INC. (Isang beses lang ito kailangan gawin dahil mase-save na ang GrowSari bilang Biller)
  4. Ilagay ang susunod na detalye:
    • Ang GROWSARI USERNAME sa Subscriber Number, 
    • Ang STORE NAME naman sa Subscriber Name,
    • Ang preferred name para sa biller na ito sa Preferred Nickname.
  1. Pwede na mag Top Up ng GrowCoins! Pumunta na sa Pay Bills ng BDO app, piliin ang GROWSARI ENTERPRISE INC. sa Enrolled Billers, at tapusin ang transaction!
  2. Mag Top Up bago mag-2PM para makuha ito ng same day! Kung hindi umabot sa 2pm cutoff, maaari itong umabot ng 24 hours bago ma-credit. Tandaan na tuwing banking days lang ang crediting ng GrowCoins. (Walang banking days tuwing Sabado at Linggo)

 

Top Up via E-Wallets

Kaya mo rin mag top-up gamit ang E-wallets katulad ng GCash o Coins.ph – mag-transfer lang sa GrowSari BDO account gamit ang e-wallet mo.

  • Gcash to BDO Account
  1. Kunan ng screenshot ang My Account page ng GrowSari app
  2. Buksan ang iyong mobile banking app (ex. BDO Mobile, BPI Mobile, etc.)
  3. Pindutin ang ‘Send Money’. Sa ilalim ng Not Enrolled, pinduting ang ‘To any BDO Account’
  4. Mag-transfer ng halagang gustong i-Top Up sa aming Official BDO account:
    • Account Name: Growsar, inc.
    • Account Number: 010728000316
  5. Kunan ng screenshot ang confirmation sa iyong mobile banking app na magsisilbing Proof of Payment
  6. Buksan at ifill-up ang Google form na ito: bit.ly/GrowCoinsTopUp
  7. Maghintay ng 24 hours na pumasok ang inyong GrowCoins.
  • Coins.ph to BDO Account
  1. I-tap ang E-Wallets sa loob ng GrowCoins Wallet at piliin sa options ang Coins.ph para malagay ang Top Up amount na gusto
  2. Pagkakuha ng confirmation, makakatanggap ka ng notification at SMS galing sa Coins.ph — pindutin ang link sa loob ng message
  3. I-fill up ang details na kailangan 
  4. FREE at INSTANT papasok ang iyong GrowCoins

 

Pagtop-up via Over-the-Counter Deposit

Kapag may malapit na 7/11, BDO, M Lhuillier, o Cebuana Lhuillier branch sa ‘yo, pwede rin mag deposit ng cash at maka Top Up diyan. 

  1. I-tap ang Over the Counter sa loob ng GrowCoins Wallet at piliin sa options ang branch na gusto
  2. Pagkakuha ng confirmation, makakatanggap ka ng notification at SMS galing sa Coins.ph — pindutin ang link sa loob ng message para makapili ng payment option
  3. Piliin ang branch kung saan magde-deposit, at i-fill up ang hinihinging mga detalye
  4. Pumunta sa nearest 7/11, BDO, M Lhuillier, o Cebuna Lhuillier branch at sundin ang instructions para mag-deposit ng pera
    • Note: May service fees na sisingilin depende sa branch na pinili mo
  5. Maghintay ng 24 hours para pumasok ang iyong GrowCoins
Tags: Eserv Onboarding, Eservices, Paninda, QR Code

Related Articles

1 Comment. Leave new

  • Jhoanna Garcia
    May 3, 2021 2:42 pm

    Super duper ang ganda d2 sa #growsari halos nabasa q lht ng instraction kaya papanayin q ang pagorder free hasle pa thanks 👍😊🔑🔑🔑🔑

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

Isang tanong, isang sagot
Pinakamura dito, walang tatalo!
Menu