Ngayong April 2022, mai-implement na ang bagong E-Lista payment policy. Sa lahat ng E-lista bills na due simula April 4, 2022, mayroon nang 3.5% Late Payment Fee na macha-charge kada 7 days na hindi mabayaran ang iyong E-Lista bill sa tamang due date.
Mga detalye ng late fee ay ang sumusunod:
- Ang Late Payment Fee ay macha-charge kaagad kapag hindi nag bayad sa takdang araw ng due date o sa araw na mangongolekta ang shipper. Posibleng ma-charge ulit ng additional 3.5% kung hindi pa rin nakapagbayad sa susunod na due date hanggang nabayaran na ang E-Lista bill.
- Ito ay ma re-reflect bilang bagong line sa iyong existing E-Lista Bill.
- Ang 3.5% ay base sa ORIGINAL PRINCIPAL AMOUNT lamang. Ang late fee mo para sa isang due bill na hindi nabayaran sa unang linggo ay parehong amount lamang nung nauna. (Tingnan ang halimbawa sa ilalim).
- Ang Late Payment Fee ay macha-charge lang kay tindera kapag dumaan ang shipper para mangolekta ng due bill.
- Kung mali ang nilagay ng shipper at hindi nabisita ang tindahan pero nacharge ng late fee, maaaring magreport sa app o kaya sa call center at iwawaive ang late fee.
- Ang P30 extension fee na ino-offer noon ay mawawala na simula February 7. Sa halip, mapapalitan ito ng 3.5% late payment fee.
- Makakatanggap ang tindera ng SMS kapag hindi nabayaran ang due bill sa takdang collection date at nagkaroon ng late fee. Maglalaman ang SMS ng Late Payment Fee amount at ang total due na kailangan mo bayaran sa next collection date.
Para mas maintindihan, ito ang halimbawa:
- Halimbawa ang collection day mo ay bawat Monday (Lunes), at may E-Lista bill na halagang P1,035 (1,000 na hiniram sa E-Lista + yung 3.5% processing fee sa paggamit ng E-Lista). Ang collector ay dumating ng April 4, at hindi mo nabayaran ang bill.
- Ibig sabihin nito nakakuha ka na ng late fee na P35 at masasama ito sa bill sa susunod na collection day o kung kailan ulit babalik ang shipper.
- Bakit 35 pesos ang babayaran? Dahil 35 pesos ang 3.5% ng 1,000 na principal sa E-Lista due bill mo.
- Sa susunod na collection date na April 11, ang due bill mo na ay P1,070 (original amount + 1 late fee), kapag hindi parin mabayaran sa araw na ito ay macha-charge ka ulit ng P35 na madadagdag sa next collection day.
- Sa next collection day on April 18, ang due bill mo na ay maging P1,105 (dalawang beses ang charge ng late fees: 1035 + 35 + 35), at tuloy tuloy macha-charge ang late fees hanggang mabayaran na ang buong due bill.
Basahin dito ang na-update na E-Lista User Agreement: bit.ly/EListaImplementingAgreementv12