Uncategorized

Negosyo From Home? Maging Online Reseller na!

No Comments

Gusto mo bang magsimula ng negosyo?

Hindi na para lang sa mga may negosyo o tindahan ang GrowSari! Kung wala pang tindahan pero gusto mo nang magsimula ng negosyo, pwede na ring maka-join at mag-order sa GrowSari! 

Kung ikaw naman ay isang online seller na, heto ang programang swak na swak para sa iyo–Online Reseller Program ng GrowSari! 

Ano ang Online Reseller Program?

Ang Online Reseller Program ay programa na magbibigay ng pagkakataon sa mga nais magbenta online. Kaya’t kahit na wala pang physical sar-sari store o tindahan, pwede na kayong  maka-order ng 600+ grocery items sa presyong distributor. Sa paraang ito, pwede nang ma-enjoy ng mga online resellers ang benepisyo na nakukuha ng mga customers namin ngayon na may physical na tindahan. 

  • Free Delivery sa store mo
  • Bagsak-presyo items na paninda
  • Order anytime, order anywhere
  • Bigas? Pwede magbenta! Dagdagan ang kita
  • Paload? Pabayad bills? Pwede din dito! 
  • Puhunan? Sa 3,000 mo pwede kang kumita ng up to 4,500! 

Paano Sumali Sa Online Reseller Program?

Para makasali sa Online Reseller Program ng GrowSari, sundan lamang ang mga sumusunod:

Kung wala pang store at nais magsimula

  1. Kung ikaw ay magsisimula pa lamang at wala pang online store, sagutan muna ang app form na makikita sa link na ito: tinyurl.com/GSSuperSeller 
  2. Sa loob ng 3 araw, mayroong tatawag sa inyo para tulungan kang gumawa ng account sa GrowSari app. 
  3. Kung maging matagumpay ang lahat, maaari mo nang simulan ang iyong pag-order gamit ang GrowSari app matapos ang 7 araw!

Kung may store ka na, download mo lang ang app 

Kung ikaw naman ay may online store na, i-download lang ang GrowSari app mula sa: https://growsari.co/GSOnlineReseller. Piliin lang ang “Online Store” sa “Paano ka namimili?” screen sa sign up. 

May Online Community Pa Para Sa inyo!

Pwede ka na rin maka-sali sa community ng mga SuperTinderas! Marami kang matututunan na tips sa mga SuperTinderas ng Growsari, pwede ka rin mag-share sakanila! Kaya join na sa Online Reseller Program at magsimula na magbenta from home. Sign up na

Tags: Uncategorized

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

Pangload mo, E-lista mo na! , new e-lista
Paano gamitin ang Verify GS Personnel at umiwas sa SCAM?
Menu