Uncategorized

Key Accounts E-Lista Late Payment Policy Fee

No Comments

Ngayong March 2022, mai-implement na ang bagong E-Lista payment policy para sa GrowSari Key Accounts stores. Sa lahat ng E-lista bills na due simula March 17, 2022, mayroon nang 2% Late Payment Fee na macha-charge kada 7 days na hindi mabayaran ang iyong E-Lista bill sa tamang due date.

 

Mga detalye ng late fee ay ang sumusunod:
  1. Ang Late Payment Fee ay macha-charge kaagad kapag hindi nag bayad sa takdang araw ng due date o sa araw na mangongolekta ang shipper. Posibleng ma-charge ulit ng additional 2% kung hindi pa rin nakapagbayad sa susunod na due date hanggang nabayaran na ang E-Lista bill.
    • Ito ay ma re-reflect bilang bagong line sa iyong existing E-Lista Bill. 
  2. Ang 2% ay base sa ORIGINAL PRINCIPAL AMOUNT lamang. Ang late fee mo para sa isang due bill na hindi nabayaran sa unang linggo ay parehong amount lamang nung nauna. (Tingnan ang halimbawa sa ilalim).
  3. Ang Late Payment Fee ay macha-charge lang kay tindera kapag dumaan ang shipper para mangolekta ng due bill.
  4. Ang P30 extension fee na ino-offer noon ay mawawala na simula March 17. Sa halip, mapapalitan ito ng 2% late payment fee.
  5. Makakatanggap ang tindera ng SMS kapag hindi nabayaran ang due bill sa takdang collection date at nagkaroon ng late fee. Maglalaman ang SMS ng Late Payment Fee amount at ang total due na kailangan mo bayaran sa next collection date.
Para mas maintindihan, ito ang halimbawa: 

  • Halimbawa ang collection day mo ay bawat Thursday (Huwebes), at may E-Lista bill na halagang P1,000. Ang collector ay dumating ng March 17, at hindi mo nabayaran ang bill.
    • Ibig sabihin nito nakakuha ka na ng late fee na P20 at masasama ito sa bill sa susunod na collection day o kung kailan ulit babalik ang shipper.
    • Bakit 20 pesos ang babayaran? Dahil 20 pesos ang 2% ng 1,000 na principal sa E-Lista due bill mo.

 

  • Sa susunod na collection date na March 24, ang due bill mo na ay P1,020 (original amount + 1 late fee), kapag hindi parin mabayaran sa araw na ito ay macha-charge ka ulit ng P20 na madadagdag sa next collection day.
    • Sa next collection day on April 1, ang due bill mo na ay maging P1,040 (dalawang beses ang charge ng late fees: 1000 + 20 + 20), at tuloy tuloy macha-charge ang late fees hanggang mabayaran na ang buong due bill.

Basahin dito ang na-update na E-Lista User Agreement: bit.ly/EListaImplementingAgreementv12

Tags: Uncategorized

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

Negosyo From Home? Maging Online Reseller na!
Paano gamitin ang Verify GS Personnel at umiwas sa SCAM?