Ano ang QRPh?
Sa QR Ph project, kailangan mo na lang ng (1) unique QR code para makatanggap ng bayad mula sa iba’t ibang banking or e-wallet platforms. Di mo na kailangan gumawa ng account sa iba’t ibang banking or e-wallet apps para tumanggap ng payment galing kay suki!
Kailangan lang ni suki i-scan o i-upload ang iyong QR Ph Code gamit ang kaniyan e-wallet o banking app para makabayad diretso sa iyong tindahan, at matatanggap mo agad ang bayad sa iyong GrowCoins Wallet.
QRPh Participating Banks | |
---|---|
GCASH | Philippine National Bank (PNB) |
Maya (PayMaya) | PS Bank |
ShopeePay | Seabank Philippines |
Coins.ph | Cebuana Lhuillier Rural Bank |
Union Bank of the Philippines (UBP) | PPS-PEPP Financial Services |
Bank of the Philippine Islands (BPI, BPI Family) | AllBank, Inc. |
Metrobank | StarPay Corporation |
China Banking Corporation | TayoCash, Inc. |
Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) | Traxion Pay |
Robinsons Bank | Rural Bank of Guinobatan |
Security Bank | USSC Money Services, Inc |
Asia United Bank Corporation (AUB) | Queen City Development Bank |
Land Bank of the Philippines | Zybu Tech, Inc. |
Important QRPH FAQs
- Mag-order lang ng kahit isang paninda item mula sa Sarimart.
- Pagktapos mo ma-receive ito, i-click ang “My Saripay QRPh” sa GrowSari app. Avail ka na ng QR mo!
- Ikabit ang QRPh standee sa harapan ng tindahan
- Mamili si suki ng ANY item sa tindahan mo (di kailangan na galing sa GrowSari)
- I-scan ni suki ang QRPh code gamit ang kaniyang online banking o e-wallet app
- I-type ni suki ang TOTAL amount ng item na bibilhin at press send payment
- Success! Didiretso ang bayad sa GrowCoins wallet mo. May SMS din na makukuha as proof of success
- Makakatanggap ka ng SMS notification
- I-check ang transaction receipt mula sa app ni suki, at kung tama ang date at time ng pagbayad
- I-check kung pumasok ang bayad ni suki sa iyong GrowCoins wallet
Kung may issue ang QR Code, tumawag sa GS hotline: 0919-056-4444
Ang total amount na binayad ay diretsong madadagdag sa iyong GrowCoins wallet. Ito ay instant – from bayad ni suki didiretso sa puhunan mo, kaya pa-scan & pay lang kay suki para no need to top-up your Growcoins!
Ang GrowCoins ay maaari mong ipambili ng paninda items, at gamit pangtakbo ng Enegosyo services ng GrowSari tulad ng Load, Pay Bills, Cash-In, at Padala Services. Pwede rin gamitin ang GrowCoins bilang pambayad ng ELista due bills na hindi na hihintayin ang pagpunta ng shipper!
Get Your QRPH Code Now!
Click “My Saripay QRPh” sa homepage ng GrowSari app
1 Comment. Leave new
Panu poh ako mag request ng qr code para sa aming tindahan