Uncategorized

Ano ang QRPh at paano ito gamitin?

No Comments

Ano ang QRPh?

Sa QR Ph project, kailangan mo na lang ng (1) unique QR code para makatanggap ng bayad mula sa iba’t ibang banking or e-wallet platforms. Di mo na kailangan gumawa ng account sa iba’t ibang banking or e-wallet apps para tumanggap ng payment galing kay suki! 

Kailangan lang ni suki i-scan ang iyong QR Ph Code para makabayad diretso sa iyong tindahan, at matatanggap mo agad ang bayad sa iyong GrowCoins Wallet.

Sino ang maaaring magbayad gamit ang QR Ph Code?

Kahit sinong customer na gumagamit sa mga sumusunod na banking or ewallet platforms ay maaaring i-scan ang code para makapagbayad:

  • GCASH
  • Maya (PayMaya)
  • Union Bank of the Philippines (UBP)
  • China Banking Corporation
  • Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC)
  • Cebuana Lhuillier Rural Bank
  • Asia United Bank Corporation (AUB)
  • Land Bank of the Philippines
  • AllBank, Inc.
  • StarPay Corporation
  • TayoCash, Inc.
  • USS Money Services, Inc
  • Zybu Tech, Inc.

Paano gagamitin ni suki ang QR code?

  1. Buksan ni suki ang banking o ewallet app na kabilang sa QR Ph participants. 
  2. I-scan ni suki ang unique QR code na binigay sa tindahan.
  3. I-type ni suki ang EXACT TOTAL amount ng binili.
  4. Ipakita kay tindera ang resibo o patunay na successful ang pagbabayad.

Paano malalaman na successful ang pagbabayad ni suki?

  1. I-check ang transaction receipt mula sa app ng customer at siguraduhing tama ang date at time
  2. I-check kung pumasok ang bayad sa iyong GrowCoins wallet.
  3. Maaaring makatanggap ng SMS notification (depende sa signal coverage)

Paano makukuha ang binayad ni Suki?

Ang total amount na binayad ng customer ay madadagdag sa iyong GrowCoins wallet. 

Saan ko magagamit ang GrowCoins mula sa Customer Payment?

Ang GrowCoins ay maaari mong ipambili ng paninda items, at gamit pangtakbo ng E-Negosyo services ng GrowSari tulad ng Load, Pay Bills, Cash-In, at Remittance. Pwede rin gamitin ang GrowCoins bilang pambayad ng Elista due bills na hindi na hihintayin ang pagpunta ng shipper!

Tags: Uncategorized

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

LOYALTY PROGRAM: Super Rewards for the Super Tindera
How to Use E-Lista
Menu