EservicesQR Code

Pangload mo, E-lista mo na! , new e-lista

2 Comments

Ang E-lista ang pansimula mong puhunan- ito ay nagsisilbi pong pantawid-kapital ng sari-sari store. Maaaring gamitin ang E-lista pambayad ng paninda o sa E-Negosyo Services (ex: panload, Bills Pay, Gcash, etc) at bayaran sa collection date na lamang.

Paano i-activate ang E-lista ? 

Kung nais i-activate ang E-lista para sa paninda at E-Negosyo, kinakailangan lamang siguraduhing:

  1. Mamili at least every other week sa loob ng dalawang buwan at iwasan magcancel ng orders.
  2. Magsubmit ng valid ID at selfie (Personal Verification).

Kapag gumawa ng transaction gamit ang E-Lista, mayroon pong fixed na processing fee. Kung gagamitin ang Elista sa pagbili ng paninda, ang fee ay magiging add-on sa taas ng item price. Pero kung gamitin ito sa mga load o bills, ito ay babawasan lang sa iyong rebates. Ito ang mga processing fee depende sa transaction:

Paano gamitin ang E-Lista sa E-Negosyo?

Pindutin lamang ang “Pay Using E-Lista” sa tuwing magtitinda ng kahit anong E-Negosyo service sa Growsari app.

Papasok ito sa weekly bill na ini-isyu linggo-linggo. Babayaran mo ang hiniram na pa-load sa takdang Collection Day.

Magkano ang E-Lista Limit ko sa E-Negosyo?

Maaari mong makita ang E-Lista Available Balance mo ‘pag pumunta ka sa itaas ng app.

Ang E-Lista Max Limit mo ay nakadepende sa kung magkano ang pinakamalaki mong benta ng load sa Growsari app sa nakaraang apat na linggo, rounded sa tig-500 na amount. (Hal. kung ang pinakamataas mong nabentang load sa isang linggo ay P600, ang iyong E-Lista Max Limit ay magiging P500).

Kung gusto mo magbasa ng mas maraming detalye tungkol sa Elista ng Paninda at E-Negosyo, click here.

 

Tags: Eservices, QR Code

Related Articles

2 Comments. Leave new

  • Hency San miguel
    April 25, 2021 11:57 pm

    Paano po gamitin ang payment later kung oorder ka ng grocery items?

    Reply
    • Hi Hency!

      Kung gusto mo gamitin ang Elista mo sa mga grocery items, kailangan mo lang mag-order as usual tapos pagdating mo sa payment method screen, ika’y tatanungin kung paano gustong bayaran ang iyong order. Kung E-Lista activated ka, makikita ang E-Lista sa option para makabayad.

      Pagkatapos mong piliin ang E-Lista, kakailanganing i-type kung magkano sa mga pinamili ang babayaran gamit E-Lista, pagkatapos ipapakita na ang due date at ang computation ng total due kung kailan i-cocollect ni Shipper ang E-Lista payment.

      Mababasa mo ang mas maraming detalye tungkol sa Elista dito: https://supertindera.growsari.com/blog/elista-terms/

      Kung may iba ka pang tanong, tanungin lang sa Growsari Messenger

      Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

Isang tanong, isang sagot
Pa’no mag top up ng Growcoins?
Menu