Eserv OnboardingEservices

Paano Mag Cash-In sa GCash at PayMaya?

No Comments

Ang GCash at PayMaya ay maaari mo nang gamitin sa GrowSari App! Pwede mo nang gamitin ang paboritong E-Wallet provider upang makapag cash-in ang ng iyong mga suki. Pwede pa mag patong ng 2% ng cash-in amount para kumita sa bawat transaksyon!

Paano nga ba gamitin ang GCash ‘Cash-In’ at PayMaya ‘Add Money’ sa GS app? Parang Load lang ‘yan! Alamin sa pamamagitan ng 4 Easy steps!

GCASH


PAYMAYA

STEP BY STEP: Paano Mag Cash-in?

1. Piliin ang E-wallet Cash-in mula sa E-Negosyo section

2. Click Gcash o PayMaya, depende sa kailangan ni suki

3. I-type ang mobile number na naka register sa Gcash o PayMaya ni suki, at ang halaga na i-cacash in.

  • Tandaan na ang minimum cash-in requirement sa Gcash ay P10, at ang minimum sa PayMaya ay P100.

4. Kapag mag cacash-in sa PayMaya, kailangan rin ang 7 Digit Money code na galing sa PayMaya app ni customer. (HINDI kailangan para sa GCash). May instructions rin sa GS app kung paano hanapin:

  • Para malaman ang Money Code, buksan lang ang PayMaya app ni customer at i-click ang cash-in
  • Hanapin at i-click ang “ECPAY” bilang cash-in partner
  • Ilagay ang halaga na icacash-in at mag continue para ma-receive ang 7 Digit code
  • Kunin ang 7 Digit Money code from your suki at i-type sa Growsari app.

5. Mag-confirm ng details at babayad na si suki (huwag kalimutan magpatong ng 2%!).

Pwedeng gamitin lang sa GROWCOINS ang Cash-in service. Hindi available sa Elista, kaya siguraduhin may laman ang Growcoins wallet mo!

6. Tapos na! Kapag naging successful ang cash-in, makakatanggap si customer ng SMS. Bilang tindera, pwede mo i-check ang transaction status sa iyong E-Negosyo History sa My Account section ng app!

 

REMINDERS:

  • Ang minimum amount para sa GCash cash-in ay ₱10, at sa PayMaya naman ito ay ₱100.
  • Ang 7 Digit Money Code na hinihingi sa PayMaya cash-in ay galing sa PayMaya app ni customer. May instructions rin sa GS app kung paano hanapin.
  • May DAILY Cash-in Limit of 50 Transaction & P40,000 kada tindahan. (Note: Pwede gumawa ng mas mababa sa 50 transactions sa isang araw kung naabot na ang P40,000 daily limit.)
Tags: Eserv Onboarding, Eservices

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

PHONE-NALO NA LAZADA AND SHOPEE NG GROWSARI
Pasko Promos Handog ng E-Negosyo!