Eserv OnboardingEservices

Gabay sa Pera Padala ng GrowSari!

No Comments

Kumpleto na ang tindahan dahil may padala service na ang GrowSari! Magpadala ng pera sa lahat ng Smart Padala branches sa Pilipinas. NO Application Fees, FAST activation, & EASY to use pa! Basahin ito at maging remittance center na.

Paano Gamitin ang Pera Padala?

  1. Pindutin ang “Pera Padala” mula sa E-Negosyo Section ng GS app.
  2. Piliin ang Remittance Partner (si Smart Padala pa lamang ang option ngayon), tapos i-click ang “Magpadala ng pera”. 
  3. Pindutin ang “Sender Info” button at I-fill up ang SENDER details ni suki. Kailangang ni suki magbigay ng isang valid ID number para rito.
    • Tip: Pwede mo ipalista muna kay suki ang mga detalye niya para mapabilis ang transaction!
  4. Pindutin ang “Receiver Info” button at I-fill up ang RECEIVER details
  5. I-click ang “Amount” button at ilagay ang AMOUNT na ipapadala, pati rin ang 16-DIGIT Account # ng Smart Padala branch na papadalhan ni suki.
    • Note: Dapat alam ni suki ang tamang Account # ng Smart Padala Outlet na papadalhan niya.
  6. Magbayad na gamit growcoins – tandaan na kasama na ang Smart Padala Service fee sa bill na babayaran ni suki.
  7. Matatanggap ni SENDER (suki) ang SMS na naglalaman ng Claim Reference #
    •  Bilang tindera, pwede mo i-check ang transaction status sa iyong E-Negosyo history page (makikita sa Account section ng app)
Smart Padala FAQs
TanongSagot
Ano ang Types of Transactions?Kayang mag Send Money sa ibang Smart Padala branches. Hindi pa available ang Cash-out services sa ngayon.
Paano maging eligible sa Smart Padala?Kailangan lang may (1) successful paninda delivery at app version 5.7.0 and above si store. Ma-aactivate ang Smart Padala sa app 24 oras matapos ang delivery.
Magkano ang kikitain ko sa pera padala?Walang standard rebates para sa pera padala service, pero kayang kumita sa sariling patong kada pera padala transaction. Ang recommended patong namin ay 1% - 3% ng halaga na pinapadalhan!
Ano ang mga Send Money limits sa Smart Padala?Maaari lamang magtransact si suki ng hanggang P50,000 bawat transaction.

Bawat transaction ay may minimum P100, at maximum P50,000 limit na pwede ipadala.
Saan ko mahahanap ang 16 Digit Smart Padala Account Number?Ang 16-digit Smart Padala Account number ay ang account number ng Smart Padala outlet o branch na padadalahan ng pera para maclaim ng receiver.

Makukuha ito ng receiver pagpumunta siya sa kanyang Smart Padala outlet
Ano ang payment methods na available?Ang pera padala ay available lang sa GrowCoins - hindi magagamit sa E-Lista sa ngayon.
Paano ma-coconfirm ni suki ang transaction?Matatanggap ni RECEIVER ang e-receipt via SMS pagkatapos ng transaction.

Bilang tindera, kaya mo i-check ang transaksyon status sa iyong E-Negosyo History (na makikita sa "My Account" section ng app), o kaya sa "Updates" section ng app.
Tags: Eserv Onboarding, Eservices

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

Paano Umangat Gamit ang Cash-in Services?
Paano Manalo ng 20,000G sa E-Negosyo to Win it Promo?