Eservices

Paano Umangat Gamit ang Cash-in Services?

No Comments

Gusto mo ba na umangat at maiba ang iyong tindahan ngayong bagong taon? Subukan na ang 4 E-Negosyo #SuperTinderaTips na ito:

TIP # 1: Simulan na i-offer ang E-Negosyo services sa iyong suki, lalo na ang bagong E-wallets Cash-in!

Tandaan ka-Sari, ang pinaka kumpletong tindahan ay ang maaasahan – kapag ikaw ay may kakaibang offering na wala sa iba, ikaw ay pupuntahan ng mga suki.

Marami na ang gumagamit ng GCash at PayMaya araw-araw para magbayad ng bills, online shopping, at iba pa – kaya marami rin ang kailangan mag Cash-in para punuin ang e-wallet. Sulitin ito at maging Cash-in center of choice ng bayan!

TIP# 2: Tumanggap na ng GCash at PayMaya bilang bayad sa iyong tindahan.

Sa ganun, kaya mo pa rin i-serve ang suki na walang cash on hand at dito malalaman kung sino sa mga suki ang kailangan ng Cash-in services mo! Gumawa ng listahan ng mga suki na gumagamit ng GCash at PayMaya para mapaalalahanan sila tuwing payday na pwedeng mag Cash-in sa tindahan mo!

 

TIP # 3: Pwedeng mag Cash-in sa pamilya kapag naabot ni suki ang P8,000 monthly cash-in niya!

Alam mo ba na pinapatupad ng GCash ng 8k monthly cash-in limit bawat customer? Kapag nakalampas si suki ng P8,000 limit, may 2% service fee na sa cash-in.

Kung ayaw ni suki magbayad ng 2% service fee ni GCash, pwede ka mag-suggest na i-cash in sa kanilang kasama sa bahay (na hindi pa naabot ang 8k limit) para ma-avoid ni suki ang fee. Pagkatapos ay ibigay na lang ng kasama sa bahay ang pera kay suki na free of charge.

TIP # 4: I-promote ang sarili sa social media at suki!

Huwag kalimutang i-promote ang tindahan mo bilang isang Cash-in store! Sabihin kay suki, mag-flex sa iyong Facebook wall at community facebook groups, o kaya mag text blast sa customers mo para maalala nila na Cash-in center ka! Kailangan i-promote ang sarili para umangat at maging first choice!


Gamitin ang #SuperTinderaTips na ito at sabay tayong umangat ngayong 2022, gamit ang cash-in! Magsimula na! Click here p
ara malaman paano mag Cash-in & karagdagang detalye.

Tags: Eservices

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

Pasko Promos Handog ng E-Negosyo!
Gabay sa Pera Padala ng GrowSari!