Kumpleto na ang tindahan dahil may padala service na ang GrowSari! Magpadala ng pera sa lahat ng Smart Padala branches sa Pilipinas. NO Application Fees, FAST activation, & EASY to use pa! Basahin ito at maging remittance center na.
Paano Gamitin ang Pera Padala?
- Pindutin ang “Pera Padala” mula sa E-Negosyo Section ng GS app.
- Piliin ang Remittance Partner (si Smart Padala pa lamang ang option ngayon), tapos i-click ang “Magpadala ng pera”.
- Pindutin ang “Sender Info” button at I-fill up ang SENDER details ni suki. Kailangang ni suki magbigay ng isang valid ID number para rito.
- Tip: Pwede mo ipalista muna kay suki ang mga detalye niya para mapabilis ang transaction!
- Pindutin ang “Receiver Info” button at I-fill up ang RECEIVER details
- I-click ang “Amount” button at ilagay ang AMOUNT na ipapadala, pati rin ang 16-DIGIT Account # ng Smart Padala branch na papadalhan ni suki.
- Note: Dapat alam ni suki ang tamang Account # ng Smart Padala Outlet na papadalhan niya.
- Magbayad na gamit growcoins – tandaan na kasama na ang Smart Padala Service fee sa bill na babayaran ni suki.
- Matatanggap ni SENDER (suki) ang SMS na naglalaman ng Claim Reference #
- Bilang tindera, pwede mo i-check ang transaction status sa iyong E-Negosyo history page (makikita sa Account section ng app)
Smart Padala FAQs
Tanong | Sagot |
---|---|
Ano ang Types of Transactions? | Kayang mag Send Money sa ibang Smart Padala branches. Hindi pa available ang Cash-out services sa ngayon. |
Paano maging eligible sa Smart Padala? | Kailangan lang may (1) successful paninda delivery at app version 5.7.0 and above si store. Ma-aactivate ang Smart Padala sa app 24 oras matapos ang delivery. |
Magkano ang kikitain ko sa pera padala? | Walang standard rebates para sa pera padala service, pero kayang kumita sa sariling patong kada pera padala transaction. Ang recommended patong namin ay 1% - 3% ng halaga na pinapadalhan! |
Ano ang mga Send Money limits sa Smart Padala? | Maaari lamang magtransact si suki ng hanggang P50,000 bawat transaction. Bawat transaction ay may minimum P100, at maximum P50,000 limit na pwede ipadala. |
Saan ko mahahanap ang 16 Digit Smart Padala Account Number? | Ang 16-digit Smart Padala Account number ay ang account number ng Smart Padala outlet o branch na padadalahan ng pera para maclaim ng receiver. Makukuha ito ng receiver pagpumunta siya sa kanyang Smart Padala outlet |
Ano ang payment methods na available? | Ang pera padala ay available lang sa GrowCoins - hindi magagamit sa E-Lista sa ngayon. |
Paano ma-coconfirm ni suki ang transaction? | Matatanggap ni RECEIVER ang e-receipt via SMS pagkatapos ng transaction. Bilang tindera, kaya mo i-check ang transaksyon status sa iyong E-Negosyo History (na makikita sa "My Account" section ng app), o kaya sa "Updates" section ng app. |