Mas mura ang bili sa iba? Tatapatan ng Growsari gamit ang Growcoins
Garantisadong mas mura dito sa Growsari! Tinatakan na namin sa aming app ang mga panindang siguradong kayo’y makakamura. Hanapin lang ang DISTRIBUTOR PRICE na tatak sa item upang matukoy ang mga items na ito. Mas mura ang bili sa iba? Tatapatan ng Growsari gamit ang Growcoins ang anumang pruweba na angkop sa aming mga alituntunin at kondisyon na magpapatunay na may mas murang mapapagkuhanan ng mga paninda na aming na-ilista. Paalala lamang na pwede lang i-report ang mga resibo na na-issue 1 araw bago o pagkatapos ng order date sa Growsari.
Hanapin lamang ang mga items na may “DISTRIBUTOR PRICE” banner habang namimili sa app!
Paano mag report ng mas mababang presyo mula sa ibang pinagkukunan:
Siguraduhin isinama sa order ang item na ikukumpara sa ibang tindahan.
Sa Growsari app, piliin ang order na naglalaman ng DISTRIBUTOR PRICE sa item na inorder.
Pindutin ang Pindutin ang Report an issue upang makapagsubmit ng mga detalye.
- Siguraduhin nasagutan ang mga detalyeng hinihingi:
> Order Type: Order Related
> PO Number: Order na naglalaman ng item na irereport*
*siguraduhing pinili ang order na naglalaman ng item na ididispute upang hindi mareject ang report
> Concern: Payment Issue
> Specific: Distributor Price
> Description: PRICE MATCH <space> ITEM ORDERED na irereport
Example:
Price Match –
Joy Dishwashing Liquid AntiBac Safeguard Tie – 6x40ml
> Upload Image: I-upload ang resibo na nagpapatunay na mas mababa ang presyo sa ng item mula sa ibang pinagkukuhan. Siguraduhing malinaw ang mga sumusunod:
- Pangalan ng tindahan na pinagbilhan
- Address ng Tindahan
- Nakabilog/linya ang item na irereport na kita ang presyo nito.
- Pindutin ang submit.
- va-validate ito ng aming team, kung ang pruwebang naisubmit ay sapat at tama
- Hintayin ma-credit ang growcoins sa loob ng 3 days mula sa pagsubmit ng report.
Mga alituntunin at kondisyon: (Terms and Conditions)
- Ang report validity ay sa kahit anong araw basta’t pasok sa promo period (July 8 – July 22)
- Para mapabilis ang validation ng mga report, gawan ng 1 report kada 1 item na may nakitang diperensya sa presyo.
- Tatanggapin lang namin ang mga resibo na nagmumula sa mga tindahan na nag-iisue ng valid na resibo.
- Siguraduhin na nababasa at malinaw ang resibo upang i-konsider namin itong valid:
- Pangalan ng Tindahan
- Address ng Tindahan
- Buong pangalan ng tindahan kasama ang bilang
- Presyo ng produktong nirereport
- Ang mga SKU na parte ng DISTRIBUTOR PRICE list lang ang tatanggapin bilang valid na report.
- Dapat hindi na-cancel o na-return ang item na ididispute. Kung ma-cancel or ma-return ito pagkatapos ma-issue ang points, maaaring mabawi ang points.
- Pwede lang i-report ang mga resibo na na-issue 1 araw bago o pagkatapos ng order date sa Growsari.
- Siguraduhin na pareho ang variant ng item na binili (flavor, size, etc.) upang maging valid ang report.