QR Code

Saan pwedeng gamitin ang Growcoins?

No Comments

I-Flex mo na ang Negosyo Power with Growcoins! Marami itong kagamitan sa Growsari E-Negosyo, katulad ng:

  • Pa-Load, Bills Payment, Gcash Cash-in, Gaming & Subscription Pins at Paninda!

Kayo ay kikita ng Growcoins Rebate sa bawat transaction sa app. Ang GrowCoins na ito ay maaari niyong gamitin pangdiscount sa inyong orders o sa serbisyong alok niyo tulad nitong pagtitinda ng load.

Kung kailangan mong malaman kung paano mag top up ng Growcoins, tignan dito.

PALOAD

Pwede nang magpaload si suki sa iyo dahil sa Growcoins- lahat ng network at promo load, madaling ibenta sa iisang app. Gamitin ang ‘yong GrowCoins pamuhunan at kumita ng Php5 rebate kada P100 load! 

Interesado mag load with Growsari? Basahin kung paano mag-load dito!

 

GAMING & SUBSCRIPTION PINS:

Kaya rin magbenta mula sa Growsari app ang mga gaming at subscription pins tulad ng Mobile Legends, Ragnarok at iba pang mga laro. Bukod dito, may cable pa at iba pang bayarin na kaya nang idaan ni suki sa ‘yo!

Kumita dagdag sa ‘yong patong ng up to 5% rebate ‘pag GrowCoins ang pinamuhunan, at up to 4% ‘pag gamit ang ‘yong E-Lista.

 

BILLS PAYMENT:

Ang growcoins ay kayang gamiting pang-Bills Payment sa mga billers tulad ng Meralco, Smart, Globe, Manila Water, Maynilad at iba pa! Dito maari kang kumita sa pagdagdag ng sariling convenience fee!

Paano i-activate ang Bills payment?

Upang magamit ang Bills Pay sa GS App, kakailanganing lang magkaroon ng (1) successful delivery ng paninda. Ma-aactivate ang Bills Pay (24) hrs pagkatapos ng delivery mo.

Mag level up ka na ! Basahin kung paano maging Bills Payment Center dito!

 

GCASH

Dagdag negosyo ka sa GCash kapag ginamitan ito ng Growcoins! Pwedeng magpa- Cash In na si suki at kikita ka sa pagdagdag ng convenience fee!

Paano i-activate ang GCash?

Upang ma-activate sa Gcash, kakailanganing magsubmit ng dalawang klaseng verification:

  1. Personal Verification
  2. Business Verification

Tignan kung paano mag verify ng iyong Growsari account dito!

 

PANINDA

Ligtas ka, lalo sa cashless transactions dahil ang Growcoins ay flexible as cash sa pagbayad ng iyong mga pinamiling paninda dito sa Growsari app!

Maraming kagamitan ang Growcoins at mainam itong gamitin tuloy tuloy para lalo mo pang palaguin ang iyong negosyo. Mag top-up na ng Growcoins para ma-flex mo ang Negosyo Power mo!

Tags: QR Code

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed

Paano Gamitin ang Growsari Loading?
Menu