Paano I-Verify ang GrowSari Account ko?

You are here:
Estimated reading time: 1 min

Para ma-verify ang iyong account, pumunta sa Account Section at pindutin ang Verifiy Account button. Dito, pwede pindutin ang Personal Verification para magkaroon ng E-lista o Business Verification para sa GCash. Sundin lang ang madaling next steps:

PERSONAL VERIFICATION

  1. I-click ang “Verify Account” sa Account Section ng app
  2. Piliin ang Personal Verification kung gusto mo ng E-Lista.
  3. I-type ang iyong mobile number at ilagay ang OTP
  4. Piliin sa listahan ang Valid ID na gagamitin. Kailangan may signature ang ID.
  5. I-upload ang picture ng Valid ID na pinili
  6. I-verify ang pangalan na nakalagay sa ID
  7. Kumuha ng selfie na hawak ang Valid ID na ginamit at i-upload ito

BUSINESS VERIFICATION 

  1. I-click ang “Verify Account” sa Account Section ng app
  2. Piliin ang Business Verification para sa Gcash Cash-in service.
  3. I-type ang iyong mobile number at ilagay ang OTP
  4. Piliin ang Valid Business Permit na ipapasa. Siguraduhin hindi expired ang permit.
  5. I-upload ang picture ng permit na pinili
  6. Mag-submit at maghintay sa approval ng iyong application

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Account Verification, tignan dito.

Was this article helpful?
No
Views: 2003
Menu